Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAIAYOS NG PRRC ANG ESTERO DE AVILES

$
0
0

hilda ongNAGING panauhin ng inyong lingkod si Ronald A. Naguit, OIC-Executive Diretor ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) para sa programang “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO”, 9:00-10:00 ng umaga sa DWBL 1242kHz at DWSS 1494kHz.

Ayon kay Executive Director Naguit, maayos umanong nailipat ang 50 informal settlers na dating nakatira sa Estero de Aviles. Kapag napadaan kayo sa Barangay 640, San Miguel, Manila, walang basurang makikitang lumulutang at maganda ang daloy ng tubig sa Estero de Aviles.
Noong Hulyo 7, 2013, sinisiguro ni PRRC Chairperson at ABS-CBN Foundation Managing Director Gina Lopez na handang-handa na ang Maynila sa mga banta ng pagbaha sanhi ng sunod-sunod na bagyo.
Nangako ang dating Presidente at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na tutulong ang kaniyang administrasyon sa pagsasaayos ng mga estero sa Maynila upang hindi na bumaha lalo na sa Malakanyang na nasa mababang lugar. Kahit sandali lamang siya nanirahan sa Malakanyang ay may sentimental value ito sa kanya. Kahit sino umano ang pangulong nakaupo rito ay dapat lamang na alagaan ito nang husto dahil siya ang simbolo ng buong Republika ng Pilipinas.
Dumalo rin sa pasinaya sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, Jesus Jayson Miranda – representative / consultant ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Chairman Lino Lim ng Barangay 640, San Miguel, Manila at ng mga local official ng lungsod.
Matatandaang nalinis at naiayos rin ng PRRC ang Estero de Paco kaya magiging mabilis na ang pagbaba ng tubig mula sa kamaynilaan patungong Pasig River.
Umaabot sa P6-M halaga ang ginastos para ayusin ang Estero de Aviles at may 16 pang mga estero ang aayusin ngayong taon.

The post NAIAYOS NG PRRC ANG ESTERO DE AVILES appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>