MARAMI ang nagtatanong sa inyong lingkod kung bakit pumayag ang Pangulong Aquino na barbwire ang gamitin ng Philippine National Police (PNP) sa pagbarikada sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kaugnay sa State of the Nation Adress (SONA) nito.
Bago maganap ang SONA ay matinding preparation ang ginawa ng PNP dahil may natanggap daw na Intelligence report na may pagbabanta sa buhay ni Pangulong Aquino.
Sumobra naman yata ang paghahanda ng PNP kung kaya barbwire na ang binarikada nila sa may Commonwealth Avenue bukod pa sa mga pulis na nanggaling sa iba’t ibang probinsiya.
Linggo pa lang ay punom-puno na ng mga pulis na galing ng Region 1, 2, 3, 4 at sa kalakhang Maynila ang Kampo Karingal sa Quezon City.
Madaling araw sa may kahabaan ng Commonwealth ay mistulang war zone ang nasabing lugar dahil sa rami at kapal ng mga nakauni-pormeng pulis at barbwire na nakabarikada.
Ang dami tuloy nag-comment at nagtanong kung anong mayroon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kung may nagaganap bang giyera dahil mistulang war zone ang lugar.
Ang sabi ng ilang pulis na ating nakausap, kaya raw barbwire ang inilagay roon at gan’un karami ang inilagay na puwersa ng pulisya para hindi makalapit ang mga raliyesta sa Batasang Pambansa.
Ano ba ‘yan? Sa tingin ko ay parang sobra naman yata ang pagka-OA ng ating kapulisan at ng PSG ni Pangulong PNoy.
The rally is guaranteed by our constitution as a means to air our grievances and which is part of our freedom of speech.
So bakit kailangang gawin ito? Hindi ba nila naisip na posibleng may mga masaktan sa mga raliyesta?
Marami ang hindi naniniwala sa umano’y pagbabanta na natanggap ng intelligence laban sa Pangulo.
Sino nga ba naman ang mangangahas na patayin ang Pangulo gayong hindi nga nila ito malapitan at kung sakaling totoo man ang natanggap na intelligence report, eh, bakit hindi na lang sa Malakanyang gawin ang SONA?
Pwede naman sigurong pumunta ng Malakanyang ang mga congressman at senator, pati mga TV crew at reporter at photographer, iwas gastos pa at higit sa lahat safe pa ang Pangulo. Ito ay kung totoong mayroon.
Happy-happy 37th birthday to my pamangkin, “Felix Tomon”, noong nakalipas na Hulyo 20.
More birthdays to come, more success and blessings at congratulations din sa asawa nitong si Amie dahil nakuha niya ang promotion na kanyang inaasam-asam. Deserving ka naman, Day, kaya congrats at good luck sa iyo. Alam kung marami pang promotions ang darating sa iyo.
o0o
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09165571946 at 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com.
The post COMMONWEALTH AVENUE MISTULANG WAR ZONE appeared first on Remate.