NILABHAN nang husto ni PNoy sa kanyang SONA ang mga opisyal na ayon sa kanya ay pagpapayaman lamang sa sarili ang inaatupag.
Maliwanag din na ang income generating agencies ang kanyang tinukoy.
Saan humuhugot ng kapal ng mukha ang mga taong ito?
Kung alam ninyo na wala kayong naiaambag sa pagseserbisyo ay dapat na kayong lumayas!
‘Yan parekoy ang mga direktang pananalita ni PNoy.
Pero kung susuriin, mukhang hindi BOC, NIA at BI ang nais tukuyin ni PNoy.
Dahil nang kagyat na nagbitiw si Comm. Biazon ng BOC ay hindi ito tinanggap dahil kumpleto pa umano ang kanyang tiwala kay Biazon.
Imposible namang sina Nangel ng NIA at Comm. David ng BI dahil nauna na niyang inalis sa pwesto ang dalawa.
Mag-isip tayo parekoy, ano-anong ahensya pa ba ang inaasahan ng pamahalaan na maglilikom ng pera ngunit hindi na nga umaabot sa quota ay matindi pa ang kapalpakan?
Hindi naman maaari na BIR dahil pinuri pa nga ni PNoy sa kanyang SONA si Comm. Kim Jacinto Henares.
Ayon sa ating tawiwit sa loob ng Palasyo, asahan na sa mga susu-nod na araw ay tatapyasin na ni PNoy ang ulo ni Assistant Secretary Virginia Torres bilang hepe ng LTO.
Oo nga ano?
Dali PNoy, bilis!
Ang masasabi ko lang, bagama’t hindi umaabot sa quota na dapat kitain ng nasabing ahensya sa bawat taon, ay quotang-quota naman sila sa kapalpakan!
S’yanga pala mahal na Pangulo, sa “oblo” ay may kasabihan na “tatag ng tuhod, tibay ng dibdib at kapal ng mukha ay puhunan sa pagtaba!” Hak, hak, hak!
Hoy Asec. Torres, bayad na kami noon pang Abril sa registration ng aming mga sasakyan pero hanggang ngayon ay hindi mo pa ibinibigay ang aming mga sticker!
Lamunin mo na lang ‘yang mga sticker namin, hinayupak ka!
Lumayas ka na! Letse!
-o0o-
ANG reyna ng jueteng at STL bookies sa Batangas at Quezon na si Charing Magbuhos ay asawa ni Eddie “Kabayo” Gonzales na may hilaw na bayaw na adviser ngayon ni PNoy.
Si Don Ramon naman na kilalang lord ng jueteng at STL bookies sa buong Laguna ay bagong halal (Liberal Party) na alkalde sa isang bayan sa Quezon.
Ayon sa ilang tawiwit, tagapamagitan din nila sa Palasyo ang sanggang-dikit ni PNoy na si Dingdong Dantes.
Kayo na, parekoy, ang humusga.
Pader nga ba ang mga gambling lord na sina Nana Charing at Don Ramon, o hindi?
Aha! Alam na!
The post KAPALMUKS SI ASEC. TORRES AT REGION 4-A LORDS, PADER appeared first on Remate.


