BINISITA ng ilang piling residente ng Laguna na namamahala sa pagpapanatili ng kapaligiran ng nasabing probinsya ang mga pasilidad ng tubig at nagamit na tubig ng Manila Water, bilang parte ng “Lakbayan” isang programa ng kompanya na naglalayong maituro ang kahalagahan ng tamang paglilinis ng tubig at nagamit na tubig.Higit kumulang 29 mga empleyado mula sa DENR City Environment and Natural Resources, Sta. Rosa City, Laguna at mga opisyal ng To-yota Motors, Sta. Rosa ang lumahok sa nasabing Lakbayan na isinagawa ng Manila Water, sa pakikipagtulungan sa subsidiary nitong Laguna Water upang maipamalas sa masinsinang prosesong dinaraanan ng tubig bago ito dumating sa mga gripo at ang masusing paglilinis ng nagamit na tubig bago ito ibalik sa ilog, sa silangang bahagi ng Metro Manila.
Sa pamamagitan ng Lakbayan, mas naintindihan ng mga lumahok ang kahalagahan ng isang mahusay na sistema sa patubig upang mapalago ang ekonomiya at kapaligiran ng isang lugar.
“Sana gawin din ito ng Laguna Water sa Sta. Rosa dahil ang alam ko ay may mga planong magkaroon ng sariling sewage treatment sa aming lugar,” saad ni Erlinda Creencia, City Environment and Natural Resources Officers ng City Government ng Sta. Rosa, patungkol sa Olandes Sewage Treatment Plant, isang pasilidad na naglilinis ng nagamit na tubig na kinikilala sa buong mundo, na binisita ng grupo.
“Isa sa mga major concern namin ngayon, ang mga nagamit na tubig at lalo na ang aming waste,
karamihan ay galing sa mga kabahayan papunta sa Laguna Lake,” dagdag ni Creencia.
The post ITURO ANG KAHALAGAHAN NG MALINIS AT NAGAMIT NA TUBIG appeared first on Remate.