ANG ika-27 ng buwan ng Hulyo, 2013, ay ika-99 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo (INC). Espesyal ang araw na ito para sa milyong miyembro ng INC dito sa Pilipinas at sa buong mundo.
Maraming taon na ang nakalilipas, naitayo ang kauna-unahang simbahan ng INC sa Punta, Sta. Ana, Manila. Ang intensyon noon nang batang Brother Felix Y. Manalo sa pagtatatag sa INC ay ang pagharap sa katotohanan at kapayapaan sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng Diyos.
Itinatag niya ang INC pagkatapos ng mahabang panahon ng pagmumuni-muni, pagninilay-nilay, pagsasaliksik, pag-aaral at personal na communion with God at tinawag niya itong “the true church”.
Noong July 27, 1914 ay opisyal na kinilala ng gobyerno ng Pilipinas ang INC at si Brother Felix Manalo bilang kauna-unahang Executive Minister.
Ngayon nga ay malapit nang umabot sa ika-100 taon ang kapatiran. Binabati natin ang pamu-nuan ng INC at ang kabuuan ng kanilang malawakang kapatiran sa pamumuno ng kanilang Executive Minister na si Ka Eduardo V. Manalo.
Napakatatag na ng INC at matagumpay ito sa pangunguna hindi lamang sa pagsasaayos ng buhay ng bawat isa nilang kasapi kundi maging sa kontribusyon sa komunidad at sa buong bansa. Nitong mga nakaraang taon ay mas pinatunayan ng INC ang commit-ment nila para sa pag-angat ng kondisyon ng Pilipinas at ng mga Filipino.
At bilang pagkilala sa kontribusyon ng INC sa national deve-lopment and welfare, isinabatas ng Kongreso ng Pilipinas noong taong 2009 ang Republic Act 9645, na nagdedeklara sa tuwing ika-27 ng Hulyo ng bawat taon bilang special national working holiday na gumugunita sa pagkakatatag ng INC.
Nakikiisa ako, sampu ng aking pamilya, sa pagbati sa INC sa inyong mahalagang araw na ito, ang ika-99 na anibersaryo ng inyong pagkakatatag. Nawa ay magpatuloy pa ang inyong mabubuting gawain sa ating mga komunidad at ang walang sawa ninyong pagtulong at pagsuporta sa ikauunlad ng sambayanang Filipino. Congratulations!
The post ESPESYAL NA ARAW appeared first on Remate.