IN celebration of the National Shelter Month for the year 2013, the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), sa pakikipagtulungan ng pangunahing ahensyang nagkakaloob ng masinop na tahanan para sa lahat.
Ito ay magmumula sa iba’t ibang ahensya, at sa mga bagong-bagong gawang housing units galing sa mga kilalang private developer.
Ang target market ay mga kawani ng pamahalaan gayundin ang mga pribadong sektor, pati na rin ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ay malugod pong nag-aanyaya sa mga nais maging exhibitors sa Housing Fair 2013.
Event: Housing Fair 2013
Date: October 25 to 27, 2013
Venue: Megatrade Hall 1, SM MegaMall, Mandaluyong City.
Ang nais ng HUDCC ay mabigyan ng pagkakataon ang mga dadalo na makapamili ng magaganda, affordable at magkaroon ng abot kayang
sariling bahay.
Sa naturang Housing Fair 2013, makikita ng mga dadalo ang magagandang exhibit. Para sa mga karagdagang impormasyon, maaaring tumawag kay Engr. Jovita G. Panopio, (Secretariat office) ng HUDCC TWG Exhibitors Sub Committee sa 922-3318.
oOo
Ang buwayang si Lolong na nga ang kinikilala sa Guiness Book of World Records na “World’s Biggest Crocodile in Captivity,” nasa Eco-Park, bayan ng Bunawan, Agusan del Sur.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) chief Ramon Paje, ia-assemble nila ang mga buto ni Lolong upang mai-display sa National Museum.
Ayon naman kay Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) Director Mundita Lim, pwedeng malampasan pa ang laki ni Lolong ng isa pang buwaya na gumagala rin saAgusan Marsh ngunit wala silang balak na hulihin ito liban na lamang kung mananakit ng tao.
The post GAGANDA ANG BUHAY SA SARILING BAHAY; BUTO NI LOLONG ILALAGAY SA NATIONAL MUSEUM appeared first on Remate.
