Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HUWAG KALIMUTAN

$
0
0

sibol5SUMIKAT sa mga social media ang news report tungkol sa isang pulis na nag-breakdown at humagulgol sa gitna ng rally noong kasagsagan ng gulo sa may Batasan Hills noong araw ng SONA.

Ang nasabing pulis ay umiyak dahil sa sinasabing hirap na dinanas nila sa paghahanda sa araw ng SONA na nauwi rin sa gulo at karahasan.

Ang kwento ay bumagsak daw ang damdamin ni mamang pulis dahil hindi nila napigilan ang gulo.

Ang intensyon daw kasi ng kapulisan ay kapayapaan at sumama ang loob niya nang magkagulo nga sa harap ng Batasan.

Umani ng simpatiya ang kwento ng umiyak na pulis, patunay lang na marami pa rin sa ating mga kababayan ang may simpatiya naman sa hirap ng trabaho ng kapulisan.

Kaya naman ilan sa mga kaibigan kong abogado ay nagpakalat ng isang simulain. Tulungan natin ang ating kapulisan.

Kami sa Quezon City, ay may isang grupo ng mga abogado na nagbibigay ng tulong sa mga pulis.

Sana ay makahikayat pa kami ng iba pang mga abogado sa QC.

Balak naming sulatan ang Integrated Bar of the Philippines para imungkahi na magdisenyo ng isang programa kung saan may mga volunteer legal assistance na makukuha para sa mga pulis.

Siguro kahit isang grupo ng mga abogado bawat siyudad na handang tumulong o kaya ay magbigay ng libreng konsultasyon o kaya ay magpakita ng suporta sa pamamagitan ng paminsan-minsang pagdalaw man lang sa mga police station para sa mga ligal na problema at hinaing ng mga pulis.

Sa kabila ng anomang lumabas na batikos sa mga pulis dapat may suporta sila mula sa bayan.

Hindi ‘yung basta na lang natin sila iiwan sa gitna ng pangangailangan.

Ang ating mga pulis ay gaya rin natin, lalo na ‘pag hindi sila naka-uniporme.

May pamilya, may pangamba sa kinabukasan, may pag-aalala sa mga anak, may takot na mapuna at may pangarap na makapagsilbi nang mabuti sa bayan.

Sana ay hindi natin ipagwalang bahala ito at huwag natin silang kalimutan.

The post HUWAG KALIMUTAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>