Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EPEKTO NG 4Ps NI PNOY RAMDAM NA

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBGRABE ang epekto ng Pantawid Pamilyang Pilipino Programs o 4Ps ng DSWD sa buhay at pamumuhay ng mga maralitang Filipino.

Ito ang pinatunayan ng katatapos lang na Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia survey na kung saan napanatili ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang mataas na approval at trust rating.

Maging sa mga hindi naabot ng survey sa mga kanayunan ay talaga namang masaya dahil naiparamdam ng Aquino administration ang malasakit at pagmamahal nito sa kanila.

Sa pinaka-latest na Pulse Asia survey na lumabas, nakakuha si PNoy ng positibong 80 porsiyentong approval rating sa usapin ng pagpapalago ng ekonomiya at pagbibigay ng maayos na basic services sa mga mamamayan.

Ipinakita naman ng SWS survey nitong nakalipas na buwan ng Hunyo na very good ang ipinakitang grado ng mga Pinoy kay Pangulong Aquino dahil positive 64 ang approval rating na nakuha nito sa may 1,200 respondents na tinanong sa buong kapuluan.

Sa nasabing mga survey, malaking bagay ang 4Ps program ng DSWD dahil ito ang dahilan kung bakit hindi ngayon nag-aalburuto ang mga maralita sa kanilang estado dahil ramdam nila ang pagkalinga ng pamahalaan.

Malinaw sa kasaysayan na ang dahilan ng pagkagalit ng mamamayan sa pamunuan ng estado ay ang palagiang pagkalimot o pagwawalang bahala ng pamahalaan sa kanila.

Dagdag pa rito ang pakiramdam na kilala lamang sila ng mga politiko kapag panahon lang ng halalan.

Sa datos ng DSWD, umabot na sa halos 4 milyong pamilyang Filipino ang binibiyayaan ng 4Ps program kaya’t marami na sa mga salat na pamilya sa kalunsuran man o kanayunan ay napag-aaral na sa ngayon at iyan ay dahil sa matagumpay na programa.

Malaking bagay rin ang ginawa ni PNoy na pagtataas ng edad ng mga batang nakapasok sa programa dahil makatatapos na ng high school ang mga anak na benepisyaryo matapos gawing 18 ng pamahalaan ang edad ng makikinabang.

Marami pang magagandang proyekto ang gobyernong ito kaya’t manatili lang tayong mapagmasid sa kanilang mga ginagawa dahil ang Pilipinas ay patungo nang muli sa pedestal na rati nitong kinalalagyan.

The post EPEKTO NG 4Ps NI PNOY RAMDAM NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>