Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LTO, BAYARAN MO ANG P4B NA UTANG MO SA STRADCOM

$
0
0

raul_valinoTATLONG ahensiya ng pamahalaan – ang immigration, irrigation at customs – ang tinaguriang kapal muks ni Pangulong Noy. Mukhang nakalimutan niyang banggitin ang Land Transportation Office (LTO).

Sa pinakahuli niyang SONA o State of the Nation Address, inungkat ni PNoy na sinibak niya ang mga namumuno ng immigration at irrigation nguni’t inabsuwelto naman niya ang customs commissioner matapos niyang batikusin ang nasabing ahensiya.

Ganyan si PNoy kapag mga kaibigan niya ang involved sa kapalpakan.  At siyempre, ganyan din ang kaso sa LTO na hari ng kapalpakan at anomalya ayon sa public perception.

Last week, hindi na nakapagtiis ang Stradcom Corp. at tahasang inakusahan nito si LTO chief Virginia Torres ng hindi pagbabayad ng utang nito sa Stradcom.

Ang Stradcom ang information technology provider na hinirang ng LTO upang isaayos ang issuance of drivers licenses natin pero ang sabi ni Torres noon, hindi raw niya kasi malaman kung sino talaga ang may-ari ng Stradcom.

Nakarating ang kaso sa regional trial court three years ago na nagdesisyon na ang tunay na may-ari ng Stradcom ay ang Quiambao group at hindi ang barkada nina Sumbilla na kapanalig ni Torres.

Nag-appeal si Torres pero talo siya uli. Tahasang sinabi ng Court of Appeals na ang tunay na may-ari ng Stradcom ay ang Quiambao group. Kaya nararapat lamang na bayaran na ng LTO ang utang nito for services rendered.

Ayaw pa ring magbayad ang LTO. Nag-appeal uli si Torres hanggang nagdesisyon ang Supreme Court nitong taong ito  in  favor of the Quiambao group.

Final and executory ang desisyon ng Korte Suprema pero parang wala siyang narinig. Patay malisya ang LTO. Sa isang resolution  issued March 18, 2013, kinatigan ng Supreme Court ang mga naunang desisyon ng Court of Appeals at ng RTC.

Pero matigas pa rin ang LTO.

Ayaw pa ring bayaran ang P4 bilyong utang nito sa Stradcom. Pakapalan na lang ba talaga sa gobyerno?

The post LTO, BAYARAN MO ANG P4B NA UTANG MO SA STRADCOM appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>