MULA nang binanatan natin ang talamak na paihi sa Pier ng Navo-tas kung saan inginusong kasabwat ang CIDG at Maritime ay kaagad silang niratsada nina Major Cumbo.
Katunayan, pati mga gamit ng mag-asawang Pituya at Ferdie Tago ay hinakot pa ng Maritime na nakasasakop sa lugar.
Pero sa halip na malinis, may mga nagreklamo sa atin dahil nag-mistulang kasabwat pa tayo ng Maritime para masolo ng kanilang “front” ang nasabing iligal na gawain.
Dahil ginamit ng mga hinayupak na basehan ang ating kolum para linisin kuno ang paihi.
‘Yun pala, ayon sa impormante, ay ipinasolo na nila ngayon kay Erwin Abella ang lahat ng paihi sa erya.
Ayon sa ilang dating tauhan nina Ferdie, ipinagmamalaki ni Erwin na front lang siya ni Col. Ilagan. Hmmmm, ‘yan bang boss mo Erwin ay si Col. Ilagan ng Maritime? Ha?
Bukas natin hihimayin, parekoy, kung front nga lang talaga si Erwin o ginagawa nga ba niyang tanga ang Maritime. Abangan!
-o0o-
SA kabila ng malawakang batikos kaugnay sa bilyong pisong iskandalo sa Priority Development Assistance Fund ng mga senador at kongresista, naninindigan pa rin ang Palasyo na hindi ito papayag na alisin ang demonyong pork barrel.
Sa totoo lang, nauunawaan natin si PNoy kung bakit ayaw niyang mawala nang tuluyan ang PDAF ng mga mambabatas. Kasi nga naman, ‘yan lang, parekoy, ang tanging dahilan kung bakit pumapayag ang karamihan sa mga kongresista at mga senador na sila ay hawakan sa leeg ng Palasyo.
Na kung ang mga mambabatas na ito ay aalisan ng PDAF na pinang-gagalingan ng milyones nilang kurakot, para ano pa nga naman at mananatili sila na “aliping sagigilid” sa kapritso ni PNoy?
Ang masakit pa, sa kaunting sa-bit ni PNoy sa anomalya ay napakadali siyang i-impeach ng mga ito!
Gayundin ang trilyong pisong annual budget na inihahanda ng Palasyo at kinapapalooban ng bilyones na nakalaan sa kurakot ng KKK ay hindi na rin basta-bastang lulusot sa Kongreso!
Kaya naman, kahit alam ng konsensya ng Pangulo na hindi talaga kanais-nais itong impaktong PDAF ay wala siyang magawa para tuluyang ibasura.
Ibig sabihin, payag na lang si PNoy na sa kawalang pondo umano ng pamahalaan ay mananatiling timawa ang mga Filipino. Na kahit kuba na sa kapapasan ng mga buwis ay tataasan pa ang pamasahe sa LRT/MRT dahil walang pang-subsidize ang gobyerno!
Ganyan ang “Matuwid na Daan.” Kaya asahan na nating pabor si PNoy sa PDAF.
Kesehodang ugat ito ng korapsyon!
The post PAIHI SINOLO NG MARITIME AT HINDI AALISIN ANG PDAF appeared first on Remate.
