Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAGYONG KIKO AT PROBLEMA SA BAHA

$
0
0

benny antipordaHABANG tinitipa natin ito, mga Bro, sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na paalis na ang bagyong Kiko.

Ang bagyong Kiko ay nag-iwan ng mga katakot-takot na baha kahit saan.

Sa Kamindanawan, Kabisa-yaan, Metro Manila at Gitnang Luzon.

Milyong katao ang naapek-tuhan o pinitik ng bagyong ito at nakaranas ang mga ito ng iba’t ibang uri ng paghihirap.

SA METRO MANILA

Sa Metro Manila, naranasan ang mga grabeng baha.

Eh, kung bumaha pa naman ay ganun na lamang.

Tumitigil sa mga lansangan ang buhay ng milyong katao.

Tumitigil dahil sa sobrang trapik sanhi ng paglubog ng maraming lugar at hindi makausad ang mga sasakyan.

PAULIT-ULIT NA BINABAHA

Alam na ng mga awtoridad sa Metro Manila ang laging binabaha na lugar.

Pero tila wala silang malinaw na solusyon.

Halimbawa ang R. Papa cor. Avenida Rizal, ilang Pangulo na ng bansa ang nagpalitan at ilang mayor na ng Maynila at Caloocan ang nagpalitan pero nakapagtatakang walang solusyon dito.

Maging ang España St., mga Bro, grabe rin kung lumubog, kahit na pinataasan na ang kalsada rito nang halos isang metro.

Buong Sampaloc na sumasakop sa España St. ang problema kaya ang kalutasan sana ay Sampaloc wide pero hindi ito ginagawa.

Kapag natrapik ang dalawang kalsada, mga Bro, milyon katao ang nasisiraan ng ulo kung paano makararaan, makararating sa pupuntahan at makauuwi.

SA COTABATO CITY

Sabi ng mga matatanda sa lugar, akala nila ang Metro Manila lamang ang isinusumpa.

Kaya ito ang laging pinepeste ng mga baha at trapik.

Ngayon, nagbago na ang lahat.

Ang Mindanao ngayon ang napakadaling bahain.

Sa huling mga ulat, daan-daang libo ang nababaha sa Cotabato City mismo.

‘Yung ibang mga binaha na lugar ay alam na natin ang nangyari at nangyayari.

Paulit-ulit ang mga pagbaha sa Davao, Compostela Valley, Cagayan de Oro, Iligan at marami pang lugar.

Nakatatakot, sabi ng mga matatanda, dahil ngayon lamang umano nagaganap ang mga grabeng pagbaha.

KITANG-KITA RIN ANG MGA BINABAHA

Wala nang dahilan upang mamangha na lamang ang mga matatanda, lalo na ang mga awtoridad sa Mindanao.

Gaya ng nagaganap sa Metro Manila, paulit-ulit na lang kung dalawin ng mga baha ang mga nabanggit na lugar.

Dapat ngayon ay alam na ng mga awtoridad kung ano-ano ang kanilang mga gagawin para labanan ang mga nakamamatay at mapanirang mga baha.

Pero matutulad din ba ang mga awtoridad dito sa mga awtoridad sa Kamaynilaan na nangangapa kung ano-ano ang mga dapat na gawin?

DIYOS HUWAG SISIHIN

Magandang panimula ng paghahanap ng mga solusyon sa problemang baha ang hindi paninisi sa Diyos.

Kung ang paniniwala natin ay gawa ng Diyos ang mga pagbaha, ibig sabihin na ang Diyos na rin ang dapat na lumutas sa problema.

Dapat na magsimula tayo sa ating mga sarili, kabilang na ang pamahalaan.

Itong gobyerno ang nagbibigay ng lahat ng mga permit, lisensya, konsesyon, clearance at iba pa upang makalbo ang ating mga kagubatan.

Dito rin sa gobyerno galing ang mga taong nangunguna sa pagsira at pagkalbo sa ating mga kagubatan sa kanilang mga negosyong logging, pagmimina, pag-convert ng mga lupa at marami pang iba.

Kasosyo ng mga nasa gobyerno ang mga malalaking dayuhan na sangkot sa pagkalbo sa ating mga kagubatan kaugnay ng logging, pagmimina, land conversion at iba pa.

Ang gobyerno at ang mga taong gobyerno at kasosyo nilang mga dayuhan ang dapat na unang sisihin sa pagkakaroon ng mga grabeng pagbaha, lalo na mula sa mga kalbo at sirang kabundukan at kagubatan.

Dahil sila ang malakihan kung sumira sa ating kapaligiran, dapat sila ang unang kumilos upang malutas ang mga pagbaha.

SISI SA MAMAMAYAN

Ang disiplina sa pagtatapon ng basura ang isang malaking problema na galing sa mamamayan.

Alam na nating babalik din sa atin ang mga basurang itinatapon natin nang wala sa ayos at lugar.

Pero kadalasan, kung saan-saan tayo nagtatapon at wala tayong pakialam sa mga patakaran sa basura gaya ng paghihiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok.

Ang masama pa, ipinababalikat natin sa ating gobyerno ang responsibilidad para sa paglilinis sa ating mga lansangan, sapa, ilog at marami pang iba na pinagtatapunan natin ng ating mga basura.

Naririyan pa ang kawalan natin ng pakialam kung may mga nagtatayo ng mga istruktura na humaharang sa mga daluyan ng tubig at baha.

Sabagay, mag-ulat o magsumbong man tayo sa mga kinauukulan, kung nasuhulan na ang mga korap diyan sa gobyerno, nagtetengang-kawali na lamang ang mga awtoridad.

At only in da Pilipins, nagiging ligal ang mga iligal na istruktura na pag-aari ng mga mayayaman at maiimpluwensya.

Tanging ang mga tagpi-tagping barong-barong ang nagiging iligal at gustong idemolis ng mga nasa gobyerno.

PARTISIPASYON NG MAMAMAYAN

Ano kaya kung kilalanin ng pamahalaan ang mga pagpupunyagi ng mamamayan na maayos ang lahat ng programa laban sa baha?

Karaniwan kasing sinosolo ng pamahalaan, este, ng mga nasa pamahalaan ang mga programa laban sa baha.

Palibhasa, malaki o dambuhalang salapi ang nakukurakot sa mga programang laban sa baha at ayaw ng mga korap na makialam ang mamamayan dito.

Pampapogi pa nila ang anomang accomplishment nila tuwing darating ang halalan.

Kung pakikinggan ng mga nasa pamahalaan ang mga pu-na at mungkahi ng mamamayan ukol sa mga baha, malaki ang ibubunga nito.

Million heads are better than a few kung problemang ganito ang nahaharap sa bayan.

Kung kikilalanin nga ng pamahalaan ang kontribusyon ng mamamayan laban sa baha, kailan at paano naman magaganap ito?

The post BAGYONG KIKO AT PROBLEMA SA BAHA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>