Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ACTION MAN MISON

$
0
0

pakurotMABILIS ang naging aksyon ni Bureau of Immigration officer-in-charge Siegfried Mison kaugnay sa panawagan ng mga asawa ng mga dayuhang nakapiit sa Camp Bagong Diwa detention cell nang hindi batid kung ano nga ba ang kinakaharap na kaso ng kanilang mga kabiyak ng puso.

Kaagad na pinaimbestigahan ni Mison kung may katotohanan ang hinaing ng mga Filipinang asawa ng mga dayuhan nang humingi ng tulong ang mga ito sa Friday Balitaan sa Rembrant sa Quezon City.

Sakaling may katotohanan na hindi dumaan sa tamang proseso, iligal na kinulong at kinikikilan pa umano ng mga tiwaling tauhan ng BI kapalit ng kondisyong  makapagpipiyansa at makalalabas ng BI detention center, mananagot ang mga may kinalaman o sangkot sa katiwalian kaya nga heto ang binitiwang salita ng “man of the hour.”

“We will not prolong the agony of the wives and families, we will act as soon as possible to their grievances and for those scalawags in the bureau, your days are numbered.”

Naunang lumapit sa ilang mamamahayag ang mga asawa nina Lance David Lomako (American); Nikolaous Spanoudis (Greek); Steve Faris Antonio (Australian);  Park Jun-Youn (Korean); Eric Roijen (Dutch) Shahram Khorramnia (Iranian) at Hans Jorgen Jensen Hougard (Danish) dahil sa pagkakakulong bagama’t walang kinakaharap na kaso.

Sana ganito rin ang aksyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa passport naman ng mga kababayan natin na na-offloaded patungo sa ibang bansa sa hinalang biktima sila ng illegal recruitment ng mga kababayan natin.

Inabot na ng ilang buwan ay hindi pa rin naibabalik ang passport at papeles ng nga kawawang kababayan natin na nais makapagtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang bukas ang kanilang pamilya.

Bakit kasi ang mga nais magtrabaho ang ginigipit ng pamahalaan?

Bakit hindi nila idemanda ang mga recruiter kung may ebidensiya sila?

Ipinipilit ng NBI na mas mapabibilis ang pagkuha ng passport ng OFW kung idedemanda nila ang recruiter.

Paano nga naman kung hindi naman sila kinolektahan ng pera o kahit anong kapalit ng agency?

Wala nga naman dahilan para sampahan nila ng kasong illegal recruitment.

o0o

Happy birthday to my beloved mom Ofelia Botones.

We love and miss you Inay.

The post ACTION MAN MISON appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>