NANG sumabog ang mga kabalbalang ginawa ng maraming senador at kongresista sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel, sa pakikipagsabwatan umano kay Jane Lim Napoles, umusbong na rin ang panawagan na ibasura na ang PDAF.
Kung sa ilang argumento ay ipinababasura na ang SK dahil nagiging sanhi lang umano ito ng corruption sa hanay ng kabataan, aba eh, bakit nga naman hindi na lang ibasura ‘yang lintek na PDAF?
Kung tutuusin, parekoy, napakalinaw ng argumento ng mga nagsusulong ng pagbasura sa PDAF.
Para nga naman maituon ng husto ng mga mambabatas ang kanilang atensyon sa paggawa ng mga batas.
At magiging maliwanag ang paggagasta sa pera ng bayan at hindi gaanong nakalawit ang tukso sa corruption.
Pero bingi ang Pangulo sa mga panawagang ito!
Ipinagdiriinan ni PNoy na hindi dapat alisan ng PDAF ang mga mambabatas.
Hanggang sa isiniwalat ni dating National Treasurer Leonor Briones na ang Pangulo mismo ay mayroong PDAF na umaabot sa halaga na isang Trilyong piso!
Susmaryosep! ‘Yagit lang pala ang P200 milyon ng isang senador at P70 milyon ng bawat kongresista! Huh! Uulitin ko, parekoy, ang halaga ng PDAF ni PNoy . . . Isang trilyong piso!
Langyang buhay ito, oo. Baka masiraan na tayo ng bait sa kabibilang sa halagang ‘yan! Grabe!
Kaya naman pala!
Dahil kapag pumayag si PNoy na alisan ng PDAF ang mga mambabatas ay mas sangkaterbang pera pala ang tiyak na aalisin din ng mga ito mula sa Daang Matuwid!
-o0o-
ILANG araw na lang makikinabang ang tagatanggap, este tanggapan ni Region 4-A OIC Gen. Jesus Gatchalian ng mga “parating” mula kina Charing Magbuhos, Don Ramon at sa lahat ng nagpapatakbo ng iligal na sugal sa buong Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
‘Yan parekoy ang ibinulong sa atin ng ilang opisyal ng PNP sa nasabing rehiyon na dismayado dahil sinosolo lang umano ng isang mataas na opisyal ang nasabing mga parating.
Lalo na ang mula kay Charing Magbuhos at Don Ramon.
Kung hindi magkakaaberya, pormal nang iluluklok sa linggong ito bilang bagong regional director ng Region 4-A ang isang heneral mula sa PMA batch ’82.
Si C/Supt. Constantino ay isang napakahusay na opisyal ayon sa ating source.
Tinagurian nila ito bilang “palaban” na heneral.
Hmmm, tingnan natin, parekoy, kung kaya niya ang konek at pera ni Charing at Don Ramon.
Sana nga General, Ikaw na!!!
The post BAGONG RD NG CALABARZON AT P1 TRILYONG PDAF NI PNOY appeared first on Remate.