Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI LANG NIA, BI AT BOC, MR. PRESIDENT

$
0
0

baletodoNAKAAAWA ang tatlong ahensiya na hiniya ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang huling SONA: ang National Irrigation Administration, Bureau of Immigration at Bureau of Customs. Kung tutuusin mas malala pa ang korapsyon at ibang mukha ng katiwalian sa maraming ahensiya ng gobyerno.

Kamakailan sa isang surbey, ang PNP ang nanguna sa pinakatiwaling ahensiya. Maraming opisyal ng pulisya ang sangkot sa iba’t ibang sindikato ng krimen. Droga, Jueteng, Kidnap For Ransom, Robbery HoldUp, pasugalan, proteksyon raket at marami pang iba.

Ang DPWH ay isang mahiwagang ahensya. Kung sasaliksikin lang ng COA ang kanilang mga gastos sa proyekto, mamamangha sila sa rami ng matiwaling transaksyon. Tingnan na lang ang hitsura ng mga lansangan at imburnal, kasama na ang mga daluyang tubig na tila subdibisyon na!

Ang DENR ay hindi maitatago ang malaking katiwalian sa kanilang dapat ay malawak na reforestation program. Mas matindi naman ang hindi mapigilan na pagbibigay ng lisensiya sa pagmimina kahit na alam nila na ‘di sapat ang garantiya ng pagmimina para sabay ang pangangalaga sa ating kalikasan.

Ang DA o Agriculture rin ay madalas na sangkot sa kanilang mga proyektong pangmagsasaka. Nariyan ang fertilizer scam, agricultural equipment scam, livelihood projects scam at  iba pa. Ang DAR, ekta-ektaryang lupa ang ibinibigay sa mga “malalakas na tao” na sa huli ay “kamag-anak” din pala ng mga politiko o kuwestiyonableng grupo. Dapat silang sitahin ng COA. Matapos maisalin sa kanila ang titulo ay ibinebenta at hahanap uli ng makakamkam.

Nauubos ang pondo ng GSIS at SSS ‘di lang dahil sa sindikato sa loob at labas kundi sa mismong ‘di parehas na suweldo at bonus ng mga matataas na opisyal at mababa sa liit ang ordinaryong empleyado. Mayroon silang isinaping kapital o puhunan sa mga institusyong pangnegosyo. Kumita ba?

Malinis nga si DepEd Secretary Luistro pero sa ibaba, kontrolado ng mga tiwali ang transaksyon sa mga libro at gamit pang-eskuwela. Iilan lang ang totoong supplier sa mga gamit ngunit napakaraming kompanya ang nakarehistro para kunwari sa oras ng public bidding.

Ngayon nga lang sa hinati na “Office of the Press Secretary” eh, pabonggahan sa ganda ng cellular phones, Ipad, Tablets, Computers at iba pa.

Pero makulay sa kanilang cellphones ang dami ng “pasa-load”. Kanino at sino naman kaya nila ipinapasa ang load? Opisyal ba ang tumatanggap nito?

In short Mr. President, hindi lang ang tatlong ahensiya na binoldyak mo sa iyong SONA ang may matinding katiwalian at korapsyon.

Nasa tabi mo lang ang mga lider ng mga ahensiya na malala rin ang korapsyon.

Magaling si BIR chief Kim Henares pero sa halip na tanggalin ang isang opisyal na mahilig ku-manto sa malalaking taxpayers, itinaas pa niya ang ranggo nito.

The post HINDI LANG NIA, BI AT BOC, MR. PRESIDENT appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>