Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

JINGGOY BILL AT ANG CORRUPT NA BROADCASTER

$
0
0

bobby-ricohermosoMARAMI ang kumokontra pero tila may punto rin naman ang panukala ni Sen. Jinggoy E. Estrada na bigyan muna ng eksaminasyon ang sinoman na nagnanais na magtrabaho bilang mamamahayag bago siya mabigyan ng akreditasyon at matawag na lehitimo at propesyonal na miyembro ng media.

Sa ilalim kasi ng Senate Bill 380 ni Jinggoy na tinatawag din na “Mag-na Carta for Journalists,” inaatasan nito na lahat ng mga reporter, editor at mga maniniyot na sumailalim sa isang pagsusulit bago mabigyan ng akreditasyon ng itatayong Philippine Council for Journalists.

Ipinaliwanag ni Jinggoy na kailangan ang ganitong sistema para masala nang husto ang mga nagnanais na pumasok sa mundo ng pamamahayag at  nang sa ganoon ay mabigyan din sila ng sapat na kasanayan, kaalaman at proteksyon sa kanilang propesyon.

Sa madaling salita, layunin ng panukala ni Jinggoy na linisin ang hanay ng media mula sa mga hao-shiao o mga corrupt na miyembro na ginagamit ang kanilang mga press ID sa mga kabulastugan at hindi mabuting mga gawain.

Napag-uusapan na rin lang ang mga korap na kagawad ng media, isang nagkukunwaring hard-hitting broadcaster ang tampulan ngayon ng tukso at tsismis ng mga kapwa niya mamamahayag.

Wala kasing pakundangan kung bumatikos ang mamamahayag na ito at kahit walang basehan kapag ibinulong sa kanya ang kabulastugan kuno ng isang ahensiya ay binabanatan niya kaagad ito.

Binibira niya ang ahensiya at pamunuan nang hindi man lang kinukuha ang panig ng binabatikos niya.

Sa madaling salita ay hindi marunong sumunod sa Journalists Code of Ethics at maging sa panuntunan ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) ang mokong na ito.

Pero ang masakit, hindi naman pala para sa bayan ang dahilan kung bakit masigasig bumatikos ang broadcaster.

Hanggang hindi kasi umaareglo ang kanyang biktima ay inaaraw-araw niya ito sa kanyang programa hanggang sa bumigay ang subject at aregluhin siya.

Dalawang klase ang tinatanggap na areglo ni broadcaster, ang isa ay bigyan siya ng monthly na suweldo ng ahensiyang binibira niya o ‘di kaya naman ay ipasok sa trabaho ang sinoman na irerekomenda niya.

Ang tanong ngayon, kaya bang garantiyahan ng bill ni Jinggoy na mawawalis ang mga korap sa media kung sakali mang maipasa ito bilang batas?

Ang masakit baka magamit pa ito para lalong lumakas ang loob ng mga korap na gaya ng broadcaster na ito at mga kauri niya!

The post JINGGOY BILL AT ANG CORRUPT NA BROADCASTER appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>