Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GMO DAPAT TUTULAN

$
0
0

by the squareDAPAT magdoble kilos ang mga taong naniniwala na masama ang mga pagkain na may bakas ng Genetically Modified Organism sa kanilang information drive dahil kumikilos na ang mga dambuhalang dayuhang kompanya na nagsusulong nito sa ating bansa katulong ang ilang kababayan na siyentipiko at public relations practitioners.

Malinaw na sa karamihan ng mga siyentipiko ng mundo na walang katiyakan ang kaligtasan ng GMO. Ito ay produkto ng mga (dayuhang) kompanya na kung ilang ulit nang nabuking na sinungaling at walang pakundangan sa kalusugan ng mga tao.

Ang mga kompanyang ito ang nasa likod ng agent orange, ng mga pestisidyong ngayon ay ban na sa mundo (maliban siguro sa ating bansa), at mga gamot na kanser ang side effect.

Ito rin ang mga kompanya na ang pakiramdam ay sila ang papalit sa Dakilang Arkitekto ng Sangkalawakan kaya nga, ayon sa mga haka-haka ng ilan nating mga katoto, ay “God Move Over” ang tunay na ibig sabihin ng GMO.

Araw-araw ay may mga lumalabas na ulat kaugnay ng kasamaan
ng GMO sa ating kalusugan.

Karamihan sa mga ulat na ito ay mula sa mga kasalukuyang pagsasaliksik na isinasagawa ng mga siyentipiko mula sa Europa, bansang Hapon at Tsina.

Lumalabas na ang mga pag-kaing may GMO ay nagdudulot ng sari-saring sakit (kabilang na ang kanser at pagkabaog) kabaligtaran sa ipinagpupumilit ng mga lumilikha at nagtitinda nito na ito’y ligtas kainin.

Dahil dito ay lumalaki na ang bilang ng mga bansa na nagbabawal sa pagtitinda ng GMO kabilang na rito ang Ireland, Saudi Arabia, Hungary, Peru, Sri Lanka and Thailand. Binabalak na rin ng European Union na ipagbawal na ang lubusang pagmemerkado ng mga pagkaing may GMO sa mga bansang kasapi nito.

Kabilang naman sa mga naghihigpit sa pagbebenta ng mga pagkaing may GMO ay ang mga bansang Algeria, Egypt, Japan, China, Norway, Austria, Germany, United Kingdom, Spain, Italy, Greece, France, Luxembourg, Portugal, Brazil and Paraguay.

Para sa listahan ng mga pag-kaing may GMO ay maaari ninyong pasyalan ang website na ito: ttp://shiftfrequency.com/comprehensive-list-of-gmo-products/

* * *

AYON kay Jeffrey Smith, isang anti-GMO advocate, dapat lagyan ng tatak ng pamahalaan ang mga pagkaing may GMO para alam ng tao kung ano ang kanilang kinakain. Pinuna rin niya ang kapalpakan ng ating sariling Food and Drug Association sa wala man lamang pag-aatubili na pagtanggap nito sa mga pagkaing may GMO.

“The Philippines FDA was being overly optimistic when they claimed that the GMOs on the market meet the FAO/WHO safety assessment criteria. In fact, the Bt-corn, Round up Ready soy, and GM papaya all fail their criteria. Furthermore, companies refuse to use the FAO/WHO safety testing guidelines, choosing instead research protocols that are far less capable of finding health problems,” pagbubunyag ni Smith.

The post GMO DAPAT TUTULAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>