Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NO TAKE POLICY SA MAYNILA, MORO-MORO LANG

$
0
0

_lily reyesIBA’T IBANG reaction at mga tawag sa telepono ang tinanggap ng inyong lingkod kaugnay sa nailathala ng Lily’s Files column noong nakalipas na Huwebes na may pamagat na “ HUWAG N’YO AKONG SUBUKAN” NI MAYOR ERAP, UMUBRA KAYA SA MGA PULIS NA KOLEKTOR AT PROTEKTOR?

At gaano nga ba katotoo na nililinis ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang lungsod ng Maynila laban sa mga iligal na gawain dito katulad ng mga iligal na pasugalan? Hindi kaya moro- moro lang ang no take policy na ito ni Mayor Erap?

Sinasabing itinapon na raw ni Mayor Erap ang mga untouchable na tong collector na mga pulis tulad nitong sina SPO2 Paknoy Fresnedi, Andoy Jamson at SPO4 Fernan Santiles, at maging ang pinakamatikas na kolektor na ilang taon nang namayagpag sa Maynila na si Insp. Arnold Sandoval.

Sa impormayong nakalap ng Lily’s Files ay napag-alaman na ang pagkakatapon ng mga nabanggit na mga pulis sa Bicutan ay isang moro-moro lang para sabihing totoong nililinis na nga ni Mayor Erap ang Maynila.

At kahit anong linis ang gawin ng alkalde, kung ang mga galamay naman niya ang kumakanlong sa mga ito ay wala ring mangyayari, katulad na lang ng umano’y pagkanlong ni Vice Mayor Isko Moreno kay Sandoval.

Kaugnay naman sa ‘no take policy’ na idineklara ng alkalde sa Maynila ay walang maniniwala na gagawin ito ng kanyang mga pulis. Marahil kay Mayor Erap ay totoo pero paano ang kanyang mga pulis. Papayag kaya sila sa ‘no take policy?

Bakit ba nagkukumahog na mailagay sa puwesto ang mga opisyal na ito, hindi ba dahil sa mga lintik na tong collection na yan?

Katulad ng magkapatid na opisyal ng Manila Police District (MPD) na sina Supt. Villamor Tuliao, hepe ng District Intelligence Division at Supt. Jackson Tuliao, ang hepe naman ng Moriones Police Station 2 ng MPD, na sinasabing may pinoprotektahang mga tong collector.

Sinasabi ng magkapatid na Tuliao na totoong ipinatutupad nila ang no take policy.

Naku po, mga sir, kung wala kayong collection, eh, ‘di sana nagpa-relieve na kayo sa mga puwesto n’yo. Sino ang gagaguhin n’yo? Sa mga vendor lang sa Divisoria, ay grabe ang collection n’yo. Nag-iiyakan na nga ‘yung mga vendor na galing sa 5/6 ang mga puhunan.

Mahiya naman kayo Col. Villamor at Jackson Tuliao, hindi kami ipinanganak kahapon para paniwalain n’yo na ipinatutupad ninyo ang no take policy ni Mayor Erap.

Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, sir, kung talagang totoo kayo sa sinasabi n’yong paglilinis ng mga iligal sa Maynila ay isabay ninyong linisin at itapon sa labas ng Metro Manila ang mga basura at tiwaling opisyal ng MPD katulad ng magkapatid na Tuliao na walang ibang pinangangalandakan kundi bagyo sila at hindi sila kayang tibagin sa Maynila.

Sa mga susunod nating column ay iisa-isahin nating banggitin ang mga pangalan ng mga tong collector sa Maynila, pasugalan at vendor para sa kaalaman ng ating Alkalde…

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, su-hestiyon at komento, mag-text lang po sa 09165571946 at 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa …lpr_2012@-yahoo.com.

The post NO TAKE POLICY SA MAYNILA, MORO-MORO LANG appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>