MAGIGING malaking bentahe sa Barangay 87 sa Caloocan ang naging desisyon ng kaibigan ng inyong lingkod na si Major Arnel Dimalanta Sr. na nagretiro na sa police service noong isang taon at tanggapin ang hamon ng kanyang mga kabarangay na maging lider at ama nila bilang isang barangay chairman.
Nasa tumpak na panahon lang ang pagtanggap ni “Kap. Arnel,” dahil dapat na ring mabago ang pamamalakad sa nasabing barangay na tila naging family affair na lang dahil ang mga namumuno rito ay mga malalapit sa nakaraang lokal na administrasyon.
‘Di naman natin sinasabi na hindi naging maayos ang naging pamamalakad pero dapat na ring magkaroon ng pagbabago sa Barangay 87 lalo pa’t si Mayor Oca Malapitan na ang bagong Ama ng Caloocan na talaga namang determinadong ibalik ang kaayusan sa buong lungsod at ayon sa kanya magsisimula ito sa barangay.
Kaya naman tama lamang ang naging hakbang ni Mayor Oca habang nagbabala siya sa ilang incumbent barangay chairman na huwag bastusin at abusuhin ang batas.
Ang ibig niyang sabihin, kung alam nilang nakatapos na sila ng magkakasunod na three terms sa pwesto, eh, ‘di ‘bye bye’ na muna, ‘wag nang mag-pumilit pa at bigyan naman nila ng pagkakataon ang iba at bago.
Tunay na magiging kaagapay ni Mayor Oca itong si “Kap. Arnel” sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan sa buong lungsod at siyempre sa kanyang barangay dahil subok na ito sa serbisyo lalo na sa kampanya laban sa mga masasamang gawain tulad ng droga at kriminalidad kung saan marami rin siyang naipakulong na kriminal at bigtime na drug pusher.
Syempre, dahil sa pagkakasakote ng maraming drug pusher, natural na mas maraming tao, lalo na ang mga kabataan, ang nailigtas ni “Kap. Arnel” sa pagkakagumon sa mga ipinagbabawal na gamot. O ‘di ba!
Tunay na panalo ang Barangay 87 lalo pa’t makakasama niya ang isa ring mahusay na tao si Manny Tan, kasalukuyang pangulo ng Metro East Caloocan Rotary Club, na tinanggap din ang hamon na maging kagawad kasama ang iba pang miyembro ng kanilang tiket.
Sa ganda ng iyong track record bilang isang matapat at mahusay na police officer siguro naman hindi magiging mahirap sa iyong mga kabarangay na piliin ka nila.
Good luck, Kap. Arnel!
E-Library
PANALO na naman ang mga kabataan at mag-aaral sa Navotas. Eh, bakit kamo, aba’y mismong si Mayor John Rey Tiangco ang naghanap ng paraan upang magkaroon ng pagkakataon na makasabay sila sa ibang katulad nila sa ibang lugar, lalo na sa paggamit ng mga modernong kagamitan gaya ng computer at internet.
Kaya naman, inilunsad ng alkalde ang “E-Libarary” kung saan ilang brandnew computer sets ang pwedeng magamit ng mga mag-aaral nang libre mula sa Lunes hanggang Byernes mula alas-otso ng umaga at alas-singko ng hapon.
Ang gusto lang mangyari ni Mayor Tiangco, na malaki ang pasasalamat sa mga Sangguniang Kabataan mula sa 14 na barangay sa lungsod dahil sa pagsuporta nila sa nasabing “E-Library,” ay dapat gagamitin nila ito sa kanilang mga research work o iba pang educational projects.
Ibig sabihin, bawal ang computer games at pagbukas ng mga social networking site, OK?
The post PANALO ANG BARANGAY 87 KAY KAP. ARNEL DIMALANTA appeared first on Remate.