ANG search for SWM Champion na sakop ng Manila Bay Region (Shopping Mall Category), partikular sa Region III at Calabarzon ay matagumpay na naisakatuparan.
Ipinagkaloob ni DENR Secretary Ramon JP Paje ang parangal at P300,000.00 Cash Awards sa mga nanalong mall sa REGION III at CALABARZON.
Ang lahat ng 10 finalists ay nakatanggap ng Plaque of Recognition.
1st Prize – P75,000.00 – SM Baliwag City (99%) & SM Center Molino (80%).
2nd Prize – P50,000.00 – SM Tarlac City (97%) & Puregold GMA (76%).
3rd Prize – P25,000.00 – Marquee Mall (81%) & SM City Dasmariñas (67%).
Ang mga nanalong shopping mall ay nakaayon sa general requirements ng RA 9003.
a. 20% – Implementasyon ng solid waste segregation.
b. 10% – Hiwalay na lalagyan para sa maraming basura, kabilang ang mga sirang furniture at lamp at e-waste.
c. 5% – Malinaw na polisiya ng mga mall para sa nagungupahan.
d. 10% – Dapat alam ng kanilang mga empleyado ang kailangang requirements ng RA 9003.
e. 20% – Maayos na nasusunod ang MRF o storage area para sa nakahiwalay na basura.
f. 10% – Kailangang may mga tala tungkol sa waste diversion kasama ang recycable at compostable materials na nakukuha.
g. 5% – May lugar para sa “Waste Market Day” sa mga mamimili tulad ng sa buy back centers.
h. 10% – kakaibang basura ay dapat na dumaan sa treatment ng mga accredited treater kung kinakailangan.
i. 10% – Residual at kakaibang basura ay dapat maayos na naitatapon sa aprubadong pasilidad. (total of 100%).
j. 10% – bonus points para sa kaayusan ng iba pang mga inisyatibo na ginagawa ng malls.
The post REGION III AT CALABARZON, SWM CHAMPION appeared first on Remate.
