Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CASINO WALANG PERMIT, MANILA KOTONG COP AT POKPOK NG PULIS

$
0
0

lily's-files-lily-reyesBIBIGYANG-DAAN muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  mga text message at mga nag- email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga  employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at  proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng  pahayagang REMATE,  iyon po  ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang message at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD day po, Ms. Lily. Gusto ko lang po sanang ireklamo itong online Fontana Casino  rito sa may E.C. Cortez, Mandawe, Cebu City sa tabi ng Monas Equipment at tapat po ng isang gasolinahan.

Matagal na po itong nag-o-operate nang walang permit at lisensiya. Nakapagtataka lang po kung bakit  hinahayaan ito ng gobyerno.

Marami po kaming mga dating empleyado rito ang umalis na dahil natatakot kami na baka magkaroon ng raid at madamay pa kami.

Bukod po sa wala itong lisensiya ay mga bata po ang kanilang mga empleyado at  pati na rin ang mga naglalaro rito ay mga menor de edad.

Sana po ay maaksyunan ito ng mga awtoridad, maraming salamat po at more power. 0917_8_5_2_.

GOOD evening  po. Kaya po ako sumulat sa inyo ay para iparating sa mga kinauukulan ang napakaraming pokpok sa loob at labas ng Kalibo Airport.

Sa pakiwari ko nga po ay may lagay ang mga pokpok na ito sa mga pulis dahil nakikita ko na magkakausap sila  na parang mga pulis pa rin yata ang naghahanap ng kostumer nila.

Kung puwede po sana ay  ipanawagan ninyo sa mga kinauukulan dahil bilang isang  babae ay nahihiya rin po ako, lalo na sa mga turista na galing sa ibang bansa. Dahil kung iaalok
nila ang kanilang mga sarili ay para lang pasalubong o pagkain.

At bilang isang Filipino ay apek-tado rin po ako. Sana sa susunod kong pagpunta ng Boracay ay hindi ko na makikita ang nakasusukang tanawin na ito. Salamat po.                     0947_3_4_5_.

Magandang araw, Lily’s Files, totoo po ‘yung ukol kay Col. Villamor Tuliao na nasa  MPD. Sobra po ang takaw sa pera. Akala ko po ba, eh, itinatapon na sa probin-sya  ni Mayor Joseph Estrada  ang  katulad nitong opisyal na ito? Pero bakit nakapuwesto pa rin?

Sana rin po, Madam Lily, i-expose niyo rin ‘yung mga lantarang koleksyon ng mga iligal diyan sa lugar ng Quiapo. Kawawa po ang mga vendor diyan na ginagawang palabigasan ng mga pulis. Salamat po.     0927_5_7_6_.

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  09165571946  at  09087230036  o kaya ay mag-email lamang sa lpr_2012@yahoo.com.

The post CASINO WALANG PERMIT, MANILA KOTONG COP AT POKPOK NG PULIS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>