Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PDAF ISSUE INILIKO; TUMPAK SI REVILLA

$
0
0

burdado- jun brionesHINDI ang isyu ukol sa daang milyong PDAF ni Sen. Bong Revilla na “Na-pulis” ang sinasabi kong tumpak.

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang pahayag ni Bacoor City Mayor Strike Revilla kaugnay ng hindi itinuloy na “pagbisita” ni PNoy sa mga biktima ng baha sa Bacoor gayong nasa Imus na ang Pangulo. Kung tutuusin, bago makarating ng Imus ay daraanan muna ang Lungsod ng Bacoor, pero ni hindi sila nilingon ni PNoy pagpunta at pag-uwi nito galing sa Imus, Cavite.

Malakas ang kutob ni Mayor Strike Revilla na pulitika ang dahilan dahil kalaban sila ng LP ni PNoy noong halalan. Hindi gaya ng Imus na kaalyado dahil ang nanalong mayor na si Manny ay anak ng “manok” ng LP na si Ayong Maliksi.

Ang himutok ni Strike, sana ay huwag nang mamulitika dahil matagal na itong tapos . . . at sa totoo lang ay hindi galing sa sariling bulsa ni PNoy ang relief goods na kanyang ipinamigay kundi sa pera ng taumbayan! Ibig bang sabihin, dahil kalaban sa pulitika ang mga Revilla ay wala nang karapatan ang mga taga-Bacoor na makatikim ng ayuda ng gobyerno gayong may ambag din naman sila rito mula sa kanilang mga buwis?

Uulitin ko, parekoy, tumpak si Mayor Strike Revilla, tigilan na sana ni PNoy ang pamumulitika kung talagang siya ay nasa “Matuwid na Daan.” Peryud! Hmmmp!!!

-o0o-

SA gitna ng kontrobersya ng bilyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na “Na-pulis” umano ng isang impakta sa pakikipagsabwatan sa mga demonyong mambabatas, biglang lumiyab ang galit ng mamamayan.  Sa Lunes, (Agosto 26) ay nakatakdang lumabas sa kalsada ang taumbayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para kondenahin ang hijo de putang PDAF.

Nauna rito, maging sa social networking sites ay bumuhos ang panawagan na ibasura na ito dahil maliwanag na kinukurakot lang ng iilan. Pero kontra si PNoy na alisin ito,  palibhasa daang bilyong piso rin ang alokasyon para sa Pangulo sa pormang Presidential Social Fund.

Sa gitna ng kontrobersya, nagpalabas si COA Chairman Grace Pulido Tan ng ulat bilang patunay sa kabulastugan. Pero kung susuriin mo ay nilimitahan lang ito para sa taong 2007-2009.

Bakit hindi inilabas kahit hanggang sa 2010 at 2011? Dahil ba grupo na nina PNoy ang mga nagnakaw simula 2010? Hmmp!

Iniliko na naman, parekoy, sa panahon ni GMA!

Alam na naming kurakot sina GMA, ilabas din ang halaga ng kinulimbat ninyo!

Tangna!

The post PDAF ISSUE INILIKO; TUMPAK SI REVILLA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>