Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAAN AT KANINO GALING PONDO KINA KAPITAN?

$
0
0

lily's-files-lily-reyesNGAYONG nalalapit na ang Barangay Elections ay asahan nang babaha na naman ang pera na galing sa mga pork barrel  politician  bilang suporta sa kanilang mga manok, lalo na sa mga nakaupong barangay  captain.

Dapat din sigurong i-monitor ngayon ang election ng barangay dahil alam naman natin na sa barangay level nagsisimula ang corruption. Dapat din siguro nating malaman kung saan at kung kanino galing ang perang pinamimigay o pinam bibili ng boto ng ating mga naka-upong barangay chairman.

Marami akong alam na barangay chairman na wala man lang  nagawang project sa kanilang nasasakupan  sa loob ng kanilang panunungkulan bilang kapitan .

At ngayong darating na Oktubre ay barangay election na naman at pipili na naman tayo ng mga barangay official. Walang naglalakas-loob na tumakbong kapitan ng kanilang barangay dahil ang slogan ng mga nakaupong kapitan ay hawak sila ng kung sino-sinong mga politiko.

Ayon sa ating source, napag-alaman na ibubuhos daw ngayong darating na barangay elections ng mga pork barrel politician ang  ka-nilang pera para manalo lang ang kanilang mga manok.

Ito’y para  pagdating nga naman ng election ay makukuha pa rin nila ang boto ng tao, lalo na ang mga nasa squatter areas.

Panahon  na  siguro para  putulan natin ng pakpak ng mga pork  barrel politician na ‘yan at huwag na rin nating payagan ang kanilang mga galamay na barangay captain na mamayagpag pa sa kanilang mga barangay.

Tayong publiko na rin ang magbantay rito, huwag na nating iasa pa sa mga taong gobyerno ang pagmo-monitor dahil mga kaalyado rin naman ng mga pork barrel politician ‘yang mga nasa gobyerno.

Panahon na rin na ipatigil na  ang pagsuporta at pagbibigay ng malaking pera sa mga barangay captain para walang tanawing utang na loob, katulad ng ginawa ni Janet Napoles, na nagbigay at nag-contribute ng millions  of pesos sa kandidatura ni Pangulong Aquino.

Oh ‘di ba, ‘yung milyones na pinuhunan ni Napoles kay Pangulong PNoy ay bilyon ang naging kapalit.

Ganyan din sa barangay, mamumuhunan si pork barrel politician kay “kupitan” at ang bawi noon ay pupuwersahin naman ng kupitan ‘yung kanyang mga tao sa barangay na iboto si pork barrel politician.

Itigil na natin ang  ganitong klaseng sistema.

Tama na, panahon na para linisin natin ang barangay.

Kaya sa darating na barangay elections ay palitan na lahat para sa susunod naman ay palitan na rin ang mayors, vice mayors, konsehales, tongressmen at senatong.

Kaya sa ating mga kabarangay, mag-isip-isip din ‘pag may time. Sa P500 o P1,000 lang na makukuha ninyo sa inyong mga kupitan, ang kapalit naman ay habambuhay na paghihirap.

Trillion, billions, millions at daang libo ang nakukuha ng ating mga pork barrel politician, pero nasaan sila sa oras ng kalamidad?

Hindi ba ang unang-unang dumadamay ay ang mga taxpayer din?

The post SAAN AT KANINO GALING PONDO KINA KAPITAN? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>