Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SIBAKIN SI JONG VALERA

$
0
0

bong_padua1NAGING instant hit ang aking nakaraang column kung saan naging tema ng ating talakayan si Jong Valera, isang pulis na nakatalaga riyan sa Batangas.

“Bullseye”, ‘yan ang terminong binitawan ng isang tumawag na kakilalang police officer matapos  mabasa  ang August 26  issue ng Chokepoint.

“Dapat talagang mabulgar ang gawain niyang si Valera. Salot ‘yan sa kapulisan,” ang galit na pahayag naman ng  tumawag na isang CIDG operative.

Ang iba pang tumawag na pawang mga alagad din ng batas, ay tila naiinggit kay Valera dahil sa kakaiba raw nitong lakas sa mga po-lice official. Iisa ang kanilang panawagan – ang maging responsable ang lahat ng police officials para, anila “mabago naman na ang masamang imahe ng PNP.”

Dahil sa katulad ni Valera na kinukunsinti ng mga opisyal sa pagsalungat sa umiiral na batas, ang  taumbayan ay nawawalan na ng tiwala sa kapulisan.

Sinang-ayunan ng mga police caller ang pagbubulgar nating si Valera ay ‘di kailanman naging totoong pulis dahil ito’y ‘di naman daw nagdyu-duty.

Mula nang ito’y maging pulis,  ang naging trabaho ay operator ng video-karera at collector ng tongpats sa mga nagiging ‘among’ police official.

Milyones daw kasi ang iniaakyat nito sa kanyang mga bossing na galing sa mga financier at operator ng iba’t ibang iligal, kaya siya’y pinag-aagawan.

Sa  ngayon, si Valera ay nakatalaga sa Batangas police command sa pamumuno ng bagong talagang PD na si S/Supt. Omega Jireh Deo-cares Fidel.

Hamon natin kay Col. Fidel, sibakin na niya si Valera dahil si-guradong babantot, sir, ang pangalan mo sa ginagawang kalokohan ng pulis na ‘yan.

SUMBONG NI MANG JUAN

Matindi raw ang operasyon ng iligal na sugalan diyan sa Marikina ng isang Laarni, ganundin sa Mandaluyong ng isang ‘Bacolod’ at ‘Cris’.

Isang ‘Dodong’ ang namamayagpag ang lotteng at super-lakas din daw kay Mayor Benhur Abalos at police chief Col. Quibuyen.

Sa Rizal, bakit ‘di kumikilos si Col. Roberto Anduyan para patigilin ang lotteng ni ‘Bong’ na kalat na kalat sa buong lalawigan, sentro ang Cainta.

Gising, Gen. Purisima!

The post SIBAKIN SI JONG VALERA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>