SA pagdinig na isinagawa ng Kongreso para sa 2014 National Budget, isa si LTO chief, Asec. Virginia Torres sa mga opisyal ng DOTC na humarap sa paggisa ng committee. Dahil dito, isang “batam-batang” kongresman ang nagtanong kay Asec. Torres kaugnay ng kumalat na video footage na nagpapakita kay Asec. na nakatsinelas at sarap na sarap habang “pini-finger” nito ang “slot machine” sa loob ng isang casino.
Aba, eh, sukat ba namang pabalang na sagutin nito ang kongresman habang nanlilisik ang mga mata! Hindi pa nakuntento, nag-request pa talaga si Torres sa committee chairman kaugnay sa “manner” ng pagtatanong sa kanya.
Hijo de puta, parekoy! Ang kapal ng pagmumukha ng hinayupak! Kaya ka po tinatanong your highness, dahil labag sa panuntunan ng Palasyo ang iyong ginawang pagpunta at paglaro sa casino! Gusto ring makasiguro ng taumbayan na hindi namin pera ang nilustay mo sa sugal…kung sakaling matalo ka!
Naniniwala rin kami, Madam Torres, na habang pinalalamon mo ang iyong pamilya mula sa ipinasasahod namin sa iyo ay may karapatan kaming mag-demand ng maganda mong serbisyo.
Mantakin mong simula pa noong Mayo nang magbayad kami sa rehistro ng mga sasakyan ay hindi pa rin lumalabas ang mga dokumento hanggang ngayon! Sa halip na magyabang ay magserbisyo kang animal ka! Pwe!
-o0o-
KAUGNAY ng ating iniulat kahapon na pamamayagpag ng iligal na sugal ni “Danny Itlog” sa lalawigan ng Cavite, partikular sa Cavite City, Kawit, Noveleta at Rosario, maraming ordinaryong pulis sa “Kwartel” (Provincial command) ang nagtatanong kung paano ito nangyari. Asus! Bakit ako ang tinatanong ninyo? Ganito ‘yun, huwag na ninyong itanong sa mga alkalde ng tatlong bayan at isang lungsod na ating binanggit.
Natural lang, parekoy, na hindi nila mapahindian si “Itlog” dahil malaki rin ang naitutulong nito sa kanilang election. Huwag nang idagdag na ang lingguhang “parating” ay malaking bagay para sa isang politiko na siyang takbuhan ng mga nangangailangan. Kaya asahan na nating hindi makagagalaw ang Chief of Police kung ayaw ng kanyang meyor! Ang pag-usapan na lang natin ay kung bakit hindi epektibo kay “Itlog” ang utos ni Region 4-A RD C/Supt. Jesus Gatchalian na “no take policy.”
In-short, may (mga?) hudas na opisyal na nasa mismong tungki ni RD. Na tumatanggap mula kay “Itlog” at siya ring nagbibigay ng timbre kung mag-o-operate ang regional command! Gusto mong malaman RD kung sino? Secret! Hak, hak, hak!
The post HUDAS SA REGION 4-A AT YABANG NI ASEC. TORRES appeared first on Remate.