Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAG-ASAWANG SANDOVAL SABIT SA “PORK SCAM”

$
0
0

burdado- jun brionesSA report ng Commission on Audit, sabit si dating Congressman Ricky Sandoval at maybahay na si Jeanie sa pinag-uusapang isyu ngayon ng pork barrel scam.

Ayon sa COA, ginamit ni Sandoval ang NGO (Non Go-vernment Organization) na Pamalakaya Foundation, Inc. bilang ‘recipient’ o ‘beneficiary’ ng kanyang pork.

Si Sandoval ay isa sa 6 na mambabatas na nabuking na naglagay ng milyong pondo sa mga NGO na sila rin at mga kamag-anak ang namamahala.

Ang masakit, parekoy, napag-alaman na mismong ang misis na si Jeanie ang namamahala sa nasabing foundation kung saan inilagak noon ni Sandoval ang kanyang “pork barrel.”

Ito’y iligal dahil  nakikinita ng state audit agency na ang maniobrang ito ay walang pinagkaiba o mas masahol pa sa istilo ni pork barrel scam queen Janet Napoles.

Umabot sa P10-billion pork fund ang nawala sa gobyerno dahil sa “illegal channeling” ng pork ng iba’t ibang mambabatas sa kanyang itinayong NGO.

Lumabas din sa findings ng COA na wala talagang ‘totoong’ naging beneficiaries dahil ang mga itinayong NGO ni Napoles ay ginamit lang para mahokus-pokus ang pork barrel ng kanyang mga contact sa Senado at Kamara.

At pinaghati-hatian lang ng mga hinayupak ang pera na para sana sa mahihirap nating kababayan!

Kung susuriing mabuti, mas masahol pa sa maniobra ni Napoles ang ginawa ni ex-Cong. Sandoval dahil sariling NGO ang pinagpondohan ng kanyang pork barrel.

Maniniwala ka ba, parekoy, na walang naganap na kutsabahan sa pagitan nina dating Rep. Sandoval at Pamalakaya Foundation gayong opisyal sa foundation na ito ang kanyang asawang si Jeanie?

Tsk, tsk, tsk. Kung totoo ang sinasabi ng COA, karapatan ng mga mangingisda ng Navotas na malaman kina ex-Rep. Sandoval at Malabon Vice Mayor Jeanie San-doval kung saan napunta ang nasabing pondo.

Dahil ayon mismo sa mga nakausap natin, wala silang natatandaan na mga kasamahang mangingisda o grupo ng mangingisda na nabahagian ng perang napunta sa Pamalakaya Foundation  mula sa pork barrel ni Sandoval!

Kung ganun…aba’y nararapat lang na magpaliwanag kayong mag-asawa.

Saan n’yo dinala ang milyones na pork fund na ang inyong sariling NGO ang naging recipient?

Dapat ipatawag nina ex-Cong. Sandoval at Bise Alkalde Jeanie sa isasagawang Senate inquiry para sagutin ang involve-ment nila sa pork scam.

Dahil kung totoo ang COA report, higit na masakit para sa mga taga-Malabon at Navotas na ang mga taong pinagkatiwalaan ng boto ang mismong magnanakaw ng perang nauukol sa kanila! Pwe!

The post MAG-ASAWANG SANDOVAL SABIT SA “PORK SCAM” appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>