Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

REALIZATION OF A DOCTOR’S VISION

$
0
0

PASAPORTE-BY-JR-LANGITISANG intensyon na pagsilbihan ang bayan at damdamin upang kanyang mga kababayan ay matulungan – ‘Yan ang dating pangarap ni Dr. Danilo Ablan, na ngayon ay kanyang binibigyang katuparan!

Sa estado ng United States, na kung tawagin ay ‘Island of Aloha’ o Hawaii, ay nakilala ko ang isa nating kababayan na sa kabila ng paninirahan sa ibang bansa ay nagawa pa rin ang matagal na niyang pangarap para sa kanyang mga kapwa Filipino – siya si Dr. Danilo Ablan, medical director ng St. Francis Medical Center.

Nagtapos ng medisina si Dr. Ablan sa University of Sto. Tomas, habang sa Ateneo de Manila naman niya nakuha ang kanyang degree sa hospital administration. Matagal na umano niyang pangarap na makarating sa U.S upang doon mag-aral at magpakadalubhasa sa medisina.

Ngunit ang daan tungo sa kanyang pangarap ay hindi naging madali. Sa kabila ng pagiging isang ganap na doctor sa Pilipinas, kinailangan niyang makapasa sa ilan pang mga pagsusulit upang payagang mag-training sa Amerika. Para naman kilalanin siya bilang isang ganap na doctor doon at makapag-practice ay kumuha siya ng licensure exam.

Matapos mag-aral tungkol sa internal medicine, nagkaroon ng iba pang mga pag-aaral si Dr. Danilo habang nasa U.S siya.

Taong 1989, nagsimula siya bilang pulmonologist sa isang ospital sa Hawaii, naging medical staff din siya ng lima pang ospital sa estado ring iyon, hanggang sa naging medical director siya ng Intensive Care Unit ng St. Francis Medical Center.

Sa kabila ng tagumpay na kanyang tinatamasa sa Hawaii, hindi pa rin nalimutan ni Dr. Ablan ang kanyang pangarap na pagsilbihan ang kanyang mga naiwang kababayan sa Pilipinas. Taon-taon ay umuuwi siya sa Ilocos, upang magbigay ng tulong sa ilang ospital ng probinsya.

Katuwang ang iba pang miyembro ng Aloha Medical Mission, isang grupong kinabibilangan niya, ay nabuo ang ‘Sirmata’, isang grupo na pumupunta sa iba’t ibang bahagi ng Southeast Asia upang tumulong. At isa ang Ilocos sa mga natulungan nila pagdating sa aspetong medical.

“We formed ‘Sirmata’, it’s vision in Ilocano, there was a bunch of donations, 100 hospital beds, electronic equipments gaya ng CT scanner, we were able to get them and bring them to Ilocos, to the provincial hospital, almost eight container full of medical equipment have been shipped already to Ilocos,” masayang kwento ni Dr. Ablan.

Tunay nga na malayo na ang narating ni Dr. Ablan, hindi lang pagdating sa kanyang propesyon kundi pati na rin sa lugar na kanyag tinatahanan at pinagtatrabahuhan, subalit gaano man kalayo ang kanyang narating patuloy pa rin siyang bumabalik sa ating bansa upang bigyang katuparan ang pangarap na minsan niyang hinangad para sa ating bayan.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC 13 tuwing Huwebes, 11:00 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

The post REALIZATION OF A DOCTOR’S VISION appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>