HINDI “persona non grata” o unwelcomed person ang ating pag-uusapan kundi “preso na non grata”!!! Ang tinutukoy natin ay ang preso na itinuturong reyna ng P10 billion PDAF na ibinulsa ng mga impakto….sa pakikipagsabwatan ng ilang demonyo!!!
Sa kagustuhan kasi nina PNoy at SILG Mar Roxas na maibigay kay “Ma’am” Janet Napoles ang matinding seguridad at luho, kaya roon inilagak ang hinayupak sa mismong kampo ng PNP-SAF sa Laguna. Sa sobrang paghihigpit sa kanyang seguridad at pagtatago para “iwas-silip” sa ipinagkakaloob na luho, kaya naman malaking epekto ang idinulot nito sa dati ay matiwasay na pamumuhay ng mga tao sa komunidad at sa mismong “occupants” ng kampo.
Kaya hindi nakapagtataka kung sa ilang interview ay tahasang ipinahayag ng mga ito na ayaw nila na naroon sa kanilang lugar itong “preso” na si Napoles. Hindi siya welcome, parekoy! Ibig sabihin, si Napoles ay maliwanag na “preso na non grata” o “unwel-comed prisoner”!!! Hak, hak, hak!
Sobra kasing binibeybi nina PNoy at Mar itong kanilang “Ma’am” Janet! Saan ka nakakita rito sa Pinas na ang inihahain sa isang preso ay pagkaing “rantso” o rasyon na para sa PNP-SAF?
Sa kasong “libel,” limang taon tayong nakakulong, kasama na ang pananatili sa seldang 3x4mtrs. o may sukat na 12sqm. Sa mahabang panahon ay nagkasya rito kaming apat na preso na kung susumahin ay umoukopa lamang kami ng tig-3sqm bawat isa.
Masaya na tayo, parekoy, sa ganoon kasikip na piitan, pero itong animal na Napoles ay diskuntento pa sa kanyang 82sqm. na bungalow!
Tangna, parekoy, inihihirit pa na magkaroon siya ng “yaya” habang nakakulong dahil daw sa “claustrophobia.” Letse ka! “Takal” gusto mo? Hmmp!
-o0o-
Aminado tayo, parekoy, na sa ibang aspeto ay naipakita ni Pasay City Chief of Police S/Supt. Rod Llorca na kanyang nagampanan ang tungkulin ng pulisya. Pero kung pag-uusapan ang tungkol sa iligal na sugal sa nasabing lungsod ay “bokya” si Llorca, lalo na’t ipinag-diriinan ni NCRPO Chief, C/Supt. Marcelo Garbo Jr. ang kanyang “no take policy.”
Habang “talsik-laway” kasi si Gen. Garbo kontra sa iligal na sugal ay namamayagpag naman si Corcuera sa ilang erya ng Pasay City. Maging ang palaro nina Yasay at mga kasosyo nito na sina Lito Ocampo at alyas Prince ay wala ring katinag-tinag!
Masisisi mo ba ako, Gen. Garbo, kung tahasan kong sasabihin na inutil ka sa iligal na sugal sa Pasay City? Alam na!!!
The post GEN. GARBO INUTIL SA PASAY AT ‘PRESO NA NON GRATA’ appeared first on Remate.