Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI SAPAT NA UMENTO

$
0
0

bobby-ricohermosoMARAMING dapat ipaliwanag si Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz hinggil sa naging desisyon ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) na dagdagan ng P10 lamang ang sahod ng mga manggagawa rito sa Metro Manila.

Sa halip kasi na papurihan ang ginawang hakbang na ito ng Wage Board na itinaas mula P456 sa P466 kada araw sa minimum wage, ay panay batikos ang inabot ng DOLE mula sa mga manggagawa.

Una sigurong inakala nina Baldoz at ni Wage Board Chairman Alex Avila, na matutuwa ang mga manggagawa sa desisyon nila subalit kabaliktaran ang nangyari.

At may katwiran naman talagang umalma ang mga minimum wage earner dahil balewala at hindi sapat ang ibinigay na increase na ito.

Halos wala nang nabibili sa panahong ito ang P10 maliban siguro sa cellphone load.

Nasa P8 na ang pamasahe kada unang tatlong kilometro at humihirit pa nga ang mga jeepney driver na itaas ang pamasahe kaya talagang hindi man lang mararamdaman ng mga manggagawa ang P10 umento sa sahod.

Kahit isang latang sardinas ay hindi na rin nakabibili ng P10 dahil umaabot na sa P22 ang presyo ng pinakamurang delata ngayon.

Dahil doon ay nagmistulang insulto ito sa kanila at pakiramdam nila ay ginawa silang bata na binigyan ng kapirasong kendi para tumigil sa kanilang pag-iingay.

Mas mainam pa sana na hindi na lang muna nagbigay ng umento ang wage board kung hindi rin lang naman ito sapat para mabigyang kasiyahan ang mga manggagawa.

Matagal nang nagdurusa ang ating mga minimum wage earner dahil sa sunod-sunod na pahirap na dulot ng walang humpay na pagtataas ng mga bilihin dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ang pinakamabuti sanang ginawa ni Baldoz ay ikinonsidera nila kung ano ba ang sapat, makatarungan at nararapat na ibigay sa mga manggagawa. At kung hindi nila ito kayang iatas sa mga employer ay mas mainam na ipinagpaliban na muna ang pagbibigay ng gatingang umentong iyon.

Kaya tuloy hirap na hirap ngayon at nauutal pa sa pagpapaliwanag ang kumpare ko na si Director Nicon Famorenag na siyang hepe ng PIO ng DOLE sa ginawang kapalpakan ng kanyang mga bossing.

Pero kahit anong paliwanag ni Nicon ay mukhang good luck na lang sa ating mga manggagawa dahil hindi na madaragdagan ang hinihingi nilang umento.

The post HINDI SAPAT NA UMENTO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>