Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAULIT-ULIT NA PAGPAPAGAWA NG KALSADA AT SINISIRA ANG WALANG SIRA

$
0
0

hilda-online-logoPAGBABAGO!

Ito ang nais makita ng mga mamamayan sa ating bansa. Subalit, ito ay lubhang mailap dahil sa kabi-kabilang anomalya na nagaganap sa ating pamahalaan na dulot ng korapsyon.

Kung saan-saan napupunta ang perang dapat ay inilalaan ng ating namumuno sa mga proyektong pakikinabangan at ikaaangat ng kalaga-yan sa buhay ng mga Filipinong mahihirap at kapus-palad.

Ibinigay ng sambayanan ang tiwala at pagpapahalaga sa mga namumuno sa bayan sa pamamagitan ng paghahalal sa kanila sa posisyon. Dapat lamang suklian ng mga opisyales
na sila ay nararapat maupo sa puwesto.

Mapapansin ang palaging pagpapagawa ng kalsada ng mga pinuno bilang proyekto nila na pinagkakagastusan ng malaking halaga samantalang hindi naman karapat-dapat. Maliban sa mga kalye na walang sira na kusang sinisira, iba’t ibang proyekto pa na hindi mahalaga sa mga tao ang ipinaglulustay ng salapi ng mga opisyales na walang kabuluhan.

Kung pag-iisipan lamang na mabuti ng mga namumuno maraming proyekto na makatutulong sa mamamayan ang dapat bigyan ng pansin tulad ng sa edukasyon, kailangan ng mga mag-aaral ang sapat na silid-aralan, mga aklat, silya, mesa, pasilidad para sa kanilang pagkatuto upang maging maayos ang kanilang pag-aaral.

Kailangan din ng mga Day Care Center sa mga nayon na malayo sa kabayanan para sa mga emergency case. Mga ospital para sa mahihirap na walang kakayanan na magpagamot upang malunasan ang kanilang karamdaman, mga libreng gamot upang masustinihan ang pangangailangan ng mga mahihirap.

Dapat ding pagtuunan ng pansin ang tungkol sa peace and order ang pagkakaroon ng CCTV sa madidilim na lugar para masugpo ang malalang krimen. Lahat ng mga bagay na nabanggit ay kailangang bigyang pansin para sa pagsulong ng bayan at mamamayan.

The post PAULIT-ULIT NA PAGPAPAGAWA NG KALSADA AT SINISIRA ANG WALANG SIRA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>