Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SK EXECS WALANG HOLDOVER

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB7KAPAG pumasa ang panukala ng Mababang Kapulungan ay walang aaktong Sangguniang Kabataan (SK) officials sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.

Ito ang mangyayari kapag ang nanaig sa bicameral conference committee ng Kongreso ay ang bersyon ng Kamara na kung saan malinaw na walang holdover o tuloy-tuloy na pag-akto ng kasalukuyang SK officials sa lahat ng konseho mula sa barangay patungo sa probinsya.

Kapag nagtagumpay ang ber-syon ng Kamara ay tiyak na mawawalan ng tinig ng kabataan sa pamahalaan lalo’t ang gusto ng Mababang Kapulungan ay tatlong taong ibinbin ang SK polls.

Masyadong unfair ang naturang panukala dahil parang tinanggalan mo na ng pakikilahok ang mga kabataan sa paghubog ng ating lipunan lalo’t ang sektor na ito ang may pinakamalaking bahagdan sa ating populasyon.

Tamang i-reporma ang SK pero malinaw na hindi tamang mawalan sila ng representasyon sa pamahalaan kaya’t mas dapat manaig ang bersyon ng Senado sa bicameral conference committee na kung saan ay mayroong pagtutuloy na mandato ng SK officials hangga’t magkaroon sila ng kapalit.

Ang masakit kasi sa SK ay nahatulang pangkalahatan ang naturang sektor dahil hindi naman lahat ng mga opisyal nito ay kurakot at walang ginagawa.

Kaya nga pabor ang nakararami sa pagrereporma at pag-aaral ng SK dahil panahon na para dag-dagan ito ng mga sistema na titiyak na nagagastos ang pondo nito sa tama at napakikinabangan ng kabataan.

Hindi pa tapos ang bicameral conference committee kaya’t dapat mag-isip ang ating mga mam-babatas na kakatawan sa Kamara at Senado dahil ang desisyon nila ang bubuhay at papatay sa pakikilahok at pagpapartisipa ng kabataan sa ating pamahalaan.

o0o

Dapat na ring ibulgar ng Department of Justice (DoJ) at Commission on Audit (COA) ang lahat ng mambabatas na sangkot sa pork barrel scam.

Dito kasi mapatutunayan na hindi sila namimili ng tatamaan dahil malinaw sa ngawgaw ng oposisyon na sila lamang daw ang target ng PNoy administration.

Solidong report ang kailangan ng tao at ‘yan ang ating aabangan dahil marami ang naniniwala na hindi lamang oposisyon ang lumus-tay ng pera ng bayan kundi mas marami sa mga kapanalig ng ad-ministrasyon na walang ginawa kundi ang magpalit ng partido kapag iba na ang nakapwesto sa Malakanyang.

The post SK EXECS WALANG HOLDOVER appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.