ANG Social Security System (SSS) ay nagbigay ng parangal “Balikat ng Bayan,” sa 12 nagwagi ngayong taon dahil sa kanilang exemplary performance bilang mga employer, mga collecting and paying bank at ang media partner.
Samantalang ang “Hall of Fame” citation ay ibinigay naman sa mga top-performing remittance for Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos manalo sa parehong kategorya sa sunod-sunod na taon sa loob ng 3 taon.
Winika ni SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiroz, Jr. na ang i-Remit, inc. na nanalo bilang Best Collecting Partner para sa OFW Remittances mula 2010 to 2012, pinangunahan ang mga naparangalan sa 2013 Balikat ng Bayan Awards na ginanap sa nakaraang Anibersaryo ng SSS sa kanilang corporate headquarters sa Quezon City noong September 9.
“Ang pagdiriwang ng aming 56th years ay hindi lubos kung hindi kikilalanin ang walang katulad na paglilingkod at ginampanan ng mga employer, bank at ang media bilang SSS partners sa pagpapaunlad sa hinaharap ng Social Security Protection para sa mga manggagawang Filipino, “ayon pa kay Pres. de Quiros.
“Ang Balikat ng Bayan Awardees ay nagbigay ng pa-nuntunan at standards sa de kalidad na serbisyo para sa ikabubuti ng milyon-milyong kaanib ng SSS”.
Ang plaque para sa Balikat ng Bayan ay espesyal na dinebuho ng Filipino Sculptor Dr. Antonio Raymundo, ang ginamit at ibinigay sa mga nanalo nina President Emilo de Quiros Jr., Social Security Commission Chairman Juan Santos at SSS Executive Vice President Edgar Solilapsi.
Jollibee Foods Corporation, ang pinakamalaking fast food chain sa ating bansa na may mahigit na 10,000 kawani, gayundin ang Notre Dame of Cotabato Inc. isang Marist School na suportado ng Oblate Fathers sa Central Mindanao na may 70 trabahador na nanalo bilang mga top employer sa large and small/medium categories ayon sa pagkakasunod-sunod.
The post SSS 56th ANNIVERSARY AT AWARD CEREMONY appeared first on Remate.