Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SIKAT ANG MASBATE AT GEN. MABILIN PALAYASIN

$
0
0

burdado- jun brionesTAGA-Masbate ka ba? Pwes . . Sikat ka!

Sa kasaysayan, ang mahigit 40-anyos na kasikatan ng Masbate sa panahon ng Espinosa clan ay nagwakas nang umupo sa pwesto si Tony Kho.

Pero nagpatuloy pa rin ang taguri ni Rod Navarro na “pag-aalmusal ng bala” sa mahal kong lalawigan.

Tumpak, parekoy, dahil ang kasikatan ng Masbate sa kaliwa’t kanang patayan ay hindi natapos sa panahon ni Kho.

Bagkus ay lalong lumala! Tangna!

At ito ang puhunan noon ng biyudang si 3rd district Rep. Rizalina “Dayan” Seachon-Lanete na kailangang agawin ang Masbate mula sa utak-pulbura na si Kho.

Nagtagumpay  naman  itong “darling” ni Edgar de Lara. Hek, hek, hek!

Katunayan nasa 2nd term na ngayon si seksing Lanete bilang Gov. ng Masbate.

Ang siste, umabot pala sa halos P110 milyong piso ang kinulimbat nito noon mula sa kanyang PDAF.

Dahil dito, siya ang kauna-unahang babaeng politiko sa Pinas na sinampahan ng plunder!

Sikat na naman ang Masbate!

King-ina, parekoy, kababaeng tao . . . Nakahihiya ka!

Ikulong na ‘yaaaaaann!

-o0o-

Maliban sa sandamakmak na kaepalan, wala pang nararamdaman ang taumbayan kay Sec. Mar Roxas mula nang umupo ito sa Department of Interior and Local Governments . . Sa totoo lang!

Kaya kung gusto ni SILG Mar Roxas na sa pagharap nila ni Binay sa pagka-Pangulo sa 2016 ay may maipagmamalaki man lang siyang accomplishment sa DILG, ito ay walang iba kundi ang pagsugpo sa iligal na sugal!

Dahil wala pang DILG Secretary na nakagawa nito!

Ang masakit, parekoy, maliban sa pagiging iligal nito, kalimitan ay nagiging ugat  din ang sugal ng mas malala na mga krimen.

Gaya na lang sa pamamaslang sa isang mamamahayag sa Cala-pan City, Oriental Mindoro na si Vergel Bico.

Matapos niyang tinuligsa nang walang humpay ang iligal na sugal sa nasabing lalawigan ay nagbuwis ito ng buhay!

Ang nakaaalarma ay ang mga ibinulgar ng nasabing mamamahayag bago siya pinaslang na konektado umano sa iligal na sugal ang mismong PNP Regional Director ng Mimaropa region (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na si Chief Supt. Melito A. Mabilin.

Kaya naman duda ang ilang kaanak ng biktima na kung hindi man may basbas ng pulisya ang pagkamatay ni Bico, atleast alam nila na ang ugat nito ay ang iligal na sugal sa Mindoro na kinasasangkutan umano ni RD!

Sec. Roxas, sir, kung gusto mong malutas ang pamamaslang sa nasabing mediaman, sibakin mo na muna si Gen. Mabilin!

Now na!!!

The post SIKAT ANG MASBATE AT GEN. MABILIN PALAYASIN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>