Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LIGAL NA KONTRATA

$
0
0

intonPINAG-UUSAPAN ngayon ang kasalukuyang isyu tungkol sa mga water concessionaires na sinasabing may mga maanomalyang kontrata sa gobyerno.

Ang naging isyu ay ang pagpapasa raw ng mga water concessionaire ng lahat ng gastos nila, kahit buwis nila bilang kompanya, sa presyo ng tubig na binabayaran ng mga consumer kaya napakamahal ng tubig sa Pilipinas.

Ngayon nga ay nasa Kongreso na ang isyu pero may mga reklamo na hindi raw dapat tingnan ito bilang isang iskandalo kundi isang kontrata at negosyo.

Abogado raw ang dapat makialam at hindi mga mambabatas.

Pero sumagot agad ang ilang Congressman, ito raw ay isyu na itinatanong sa kanila ng kanilang mga constituent kaya kahit may ligal na kontrata ang mga concessionaire sa gobyerno hindi pwedeng hindi kalkalin ng mga kongresista ang nasabing kontrata.

Parehong may punto ang magkabilang panig pero dahil kagaya nating lahat, ako ay consumer din at may epekto sa akin ang presyo ng tubig na binabayaran natin buwan-buwan.

Tama ang mga congressman at dapat pa ring masusing pag-aralan ang mga kontrata para malaman kung may nalabag bang batas na pwedeng magpaagrabyado sa mamamayan na nagrereklamo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng malinis na tubig na gamit sa araw-araw.

Napakalapit sa puso ng tao ang isyu ng tubig kaya maaaring lumaki ito.

Araw- araw na kailangan ito at kung buwan-buwan na binabayaran at kung tumataas nga ang presyo ay hindi talaga mai-ignore.

Parang simpleng bagay lang na pwedeng magpaigkas ng damdamin at maging malaking problema kung pababayaan.

Dapat lang na agapan ng ating mga mambabatas ang sentimyento ng kanilang mga botante sa isyu ng tubig.

Kinikilala natin ang ligal na kontrata natin bilang bansa sa mga investor pero hindi pwedeng hindi bigyan ng halaga kung may naaagrabyadong Pinoy.

The post LIGAL NA KONTRATA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>