Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

UMPISA NA

$
0
0

square-nelson-floresUMPISA na ang mga palusot ng mga pul-politikong iniuugnay sa pork barrel scam.

Nariyang may biglang magkakasakit at maaaring magpa-wheelchair na, mayroon namang magiging relihiyoso at palatawag sa Panginoon (hindi na kinilabutan), at mayroon namang taas-noong itatanggi ang lahat (kapal ng mukha).

Tiyak na kanya-kanya na silang gimik pero ang lahat ng ito ay para makakuha lamang ng simpatya natin.

Tiyak ko na karamihan sa estilo ng mga ito ay para magpapaawa.

Mayroon pang aastang parang maamong hayop kapag nasa harap ng madla (magpapa-underdog effect ‘ika nga) at ‘yung iba naman ay gagamit ng mga lengguwaheng legalese (pa-impress sa atin) na ilan lang ang nakaiintindi.

Ayon naman sa batikang manunulat na si Philip Lustre sa kanyang Facebook page, mula ngayon ay magiging bukang-bibig/depensa na ng mga sumasabit na pul-politiko ang sumusunod:

1. Hindi ko pirma iyan…Pineke ang pirma ko…

2. Hindi ko kilala iyan…Nagkita lang kami sa party pero walang transakyong naganap…

3. Lahat ng mga ibinibintang nila ay pawang kasinungalingan…

4. Aba, demolition job iyan…Kasi naman tinitingala ako bilang isang presidential timber sa 2016…

5. Pulitika lahat ang dahilan ng mga pagbibintang na iyan…

6.  Kung aalisin nila ang PDAF ng mga mambabatas, alisin na rin nila ang social fund ng Presidente…

7. Nalimutan ko na ang taong iyan… Pero teka, sino nga ba iyan?

8. Ipasusuri ko kung akin talaga ang mga pirmang iyan…

9. Kaming mga politiko ay hindi tumatanggi sa mga taong gustong magpakuha ng litrato na kasama kami…

10. Hindi na namin trabahong suriin kung totoong NGO ang tu-manggap ng aming PDAF… Hi-hi-hi-hi natatawa ako…(sa mga) banal na aso’t santong kaba-yo…natatawa ako hi-hi-hi

* * *

Marami ang nagtatanong kung papaano nagagawa ‘yung pork barrel scam.

Ito ang paliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI).

Una ay nagkaroon daw ng unawaan ang mga pul-politiko at si ma’am (‘yan ang tawag ni Sec. Mar Roxas kay Janet Napoles).

Itatalaga ng mga mambabatas ang kanilang Priority Development Assistance Fund (opisyal na tawag sa pork barrel) sa mga Non-Government Organization na hawak ni Ma’am Janet.

Tapos magpapadala ng listahan ng proyekto ang mga pul-politiko sa Department of Budget and Management (DBM).

Magpapalabas naman ang DBM ng Special Allotment Release Order (SARO) para mapondohan ang “proyekto” ng pul-politiko.

Tapos ay ipapasa ng pul-politiko ang Non-Government Organization ni Ma’am sa ahensya ng pamahalaan na tumanggap ng SARO mula sa DBM.

Kasunod nito ay iisyuhan ng tseke ang pekeng NGO ni Ma’am ng ahensyang nakatanggap ng SARO.

Idedeposito sa bangko tapos ay ilalabas din ng mga tauhan ni Ma’am ang pera.

Sabi pa ng NBI ay advanced payment lagi ang mga pul-politiko.

Nakakakuha rin ng parte ang kanilang chief of staff pati na rin ‘yung sangay ng pamahalaan na nagpapalabas ng tseke ay nakikihati ng 10 porsyento.

Ang matitirang pera ay napupunta kay ma’am.

Ang galing ano?

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa infinity_resort@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon.

The post UMPISA NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>