Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TALENTADONG MGA PINOY

$
0
0

PASAPORTE-BY-JR-LANGITMARAMI ang nagsasabi na tayong mga Filipino raw ay may ugali na kung tawagin ay ‘crab mentality’ o talangkang kaisipan. Kapag may Pinoy na umaangat sa buhay at nagtatagumpay ay mismong kapwa Filipino pa ang humihila rito pababa.

Sa minsan kong pagbisita sa Melbourne, Australia ay napatunayan kong kayang iwasan ang kaisipang ito. Dalawang kababayan natin ang nagpatunay na hindi lahat ng Filipino ay may talangkang kaisipan. Sila sina George Abenojo at Raul Seriña na mas kilala sa tawag na Jong at Jojo- ang nagmamay-ari ng Fil-Star Entertainment, isang kompanyang naglalayong ipakita at dalhin sa ibayong dagat ang angking talento ng mga Filipino.

Bago naging magkaibigan, may kanya-kanyang buhay ang dalawa noon sa Pilipinas. Tubong Baguio si Jong, walo silang magkakapatid at barbero ang kanyang ama. Naging matindi niyang pagnanais ang matulungan at maiahon sa hirap ang pamilya kaya napilitan siyang mangibang bansa at doon na mamuhay.

“’Yung panganay namin ang nagdesisyon na mag-aral dito, nakakuha naman siya ng scholarship mula sa Australian government. Pagkatapos isa-isa kaming tinawag dito hanggang makarating kaming lahat noong 1998,” kwento ni Jong.

Dati namang promotions supervisor ng isang kilalang softdrinks company noon sa Pilipinas at walang pamilya si Jojo hanggang sa mabigyan siya ng pagkakataon upang makarating sa Australia.“I was a student tapos I applied for permanent residency,” Salaysay ni Jojo.

Sa isang choir na kapwa sila miyembro, nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa, at ‘di kalaunan nga ay nabuo ang Fil-Star Entertainment. “Nabuo itong Fil-Star Entertainment noong college kami, maraming nagtatanong saan ba nagpupunta ang mga Filipino? ‘Yung mga clue na ‘yun ang nagpa-decide sa amin na magtayo ng isang lugar na talagang ang mga kababayan natin ay magkikita at magkakakilanlan, kasi gusto naming mag-offer ng quality entertainment sa mga Filipino-Australian community,” paliwanag nila. “To promote the Filipino talent not just in the Philippines, kundi pati na sa ibang bansa ang (layunin) namin. Maraming magaling na Filipino pero kakaunti ang nakaaabot internationally.”

Kahit na mahirap, sapagkat likas sa entertainment industry ang mga pagsubok gaya ng hectic na schedule ng mga show o palabas na ipo-pro-duce nila, cost of producing shows at marami pang iba, ay pinagsumikapan nilang itaguyod ang Fil-Star Entertainment sapagkat ayon sa kanila, bukod sa makapagbibigay sila ng kasiyahan ay makatutulong pa sila sa iba nating kababayan.

Ang tagumpay sa buhay ay hindi nasusukat sa rami ng salaping iyong nakamtan, o sa layo ng bansang iyong narating at taas ng posisyon na iyong nahawakan. Maaari rin itong makamit sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa na nangangailangan.  Lagi nating tandaan na hindi tayo binigyan ng pagkakataong magtagumpay upang ibaba at pagmalakihan ang ating kapwa, kundi upang maging instrumento upang sila ay tulungang maiangat.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

The post TALENTADONG MGA PINOY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>