MAS maganda sigurong mag-outsource na lang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng kanilang internal security force.
‘Yan ang isinisigaw ng ating Uzi makaraang makita nito ang grabeng pagiging inutil ng mga internal security ng PAGCOR.
Ilang ulit ang nangyaring nakawan sa loob ng PAGCOR pero parang natural lang na pangyayari ang maging biktima ka sa loob ng casino.
Bakit?
Kasi nga naman kapag nanakawan ka, bahala ka na sa buhay mo kahit na sa loob pa ng casino ng gobyerno nangyari ito.
SAGOT NG AGENCY ANG NAKAW
Eh, kung outsourced ang security n’yo riyan sa PAGCOR na nagmula sa mga private security agency, siguradong ‘charge’ na sa kanila ang mga nawawala sa nangyayaring nakawan.
Tama po ba?
Eh, ‘di siguradong maghihigpit ang mga iyan at matitigil ang laganap na nakawan.
POLITICAL ACCOMMODATION
Alam naman natin kung saan galing ang karamihan ng mga internal security officer ng PAGCOR.
Saan pa?
Eh, ‘di political accommodation na karamihan ay kamag-anak o mga bata-bata ng mga politikong nakapuwesto.
Kaya hayun!
Karamihan ay gago!
PERSONAL TAYONG BIKTIMA
Gaya na lang ng ULTIMATUM na minsang napasyal sa Pavillion.
Pumasok tayo, mga Bro, sa VIP room para gumamit ng CR dito, sinita tayo ng isang security ng PAGCOR na nakilala sa apelyido nitong Cuareg.
Nang lumabas ang ULTIMATUM sa CR ay kulang na lang na gulpihin tayo ng gagong security at tinitigan pa tayo mula ulo hanggang paa.
D’yan! D’yan sila mahigpit at d’yan sila magaling kasi gusto nilang ipakita sa mga kostumer sa loob ng casino na sila ang siga sa PAGCOR.
Nang ireklamo natin sa management ng PAGCOR sa Pavillion ang pangyayari, lalong tumapang itong si Cuareg at inikutan pa ang ULTIMATUM.
Tsk! Tsk! Tsk! Gago talaga!
INUTIL NA CCTV
Nang maganap ang nakawan ng cellphone noong nakaraang Set. 14, 2013, 2:15 ng madaling-araw sa loob ng Pavillion Casino, kinailangan pang magreklamo ang nanakawan bago kumilos ang mga inutil.
Inabot pa ng 4:30 ng madaling-araw bago nakita ng complainant ang resulta ng CCTV.
Katwiran ng kalbong opisyal sa surveillance, “2:15 nangyari ‘yan, eh, alas-3 n’yo na ni-report kaya natagalan kami!”
Tsk!Tsk!Tsk! Katwiran ba ‘yun?
Hindi ba’t dapat ay monitored n’yo ‘yan?
Baka naman natutulog kayo sa pansitan?
PINAHIRAPAN PA ANG COMPLAINANT
Nang dalhin ng CCTV officers sa security office ang video, agad naman itong pinanood ng security dept. sa pangunguna ng duty officer nito na si Alcala.
At nang sabihin ng complainant at ng witness na nais nilang panoorin ang video para matukoy kung ‘yun ngang pinagdududahan nila ang kumuha ng cellphone ay sumagot ang security officer na bawal daw itong panoorin.
Tauhan lamang daw ng PAGCOR ang puwedeng sumilip dito.
Kailangan pang ipilit ng complainant ang kanyang karapatan bago ito pinayagan ng security.
SAKSAKAN NANG TAGAL
Sa madaling salita, matapos ang lahat ng proseso na inabot na nang mag-uumaga ay wala man lang ginawang effort ang security dept. na maibsan ang sama ng loob ng nanakawan.
Ni hindi man lang ito tinulungang makapag-report sa pulis o bigyan ng anomang ebidensiya para magamit sa pagsasampa ng kaso.
Sinabihan pa na puwede lang silang magbigay ng litrato o anomang ebidensiya kung susulat sila at gagawa ng pormal na request.
Aba’y gago talaga!
Hindi ba’t kayo pa nga dapat ang magbayad sa nawalang cellphone dahil sinusuwelduhan kayo ng gobyerno para bantayan ang casino tapos, eh, malulusutan lang kayo?
TAKE 2 SA HYATT
Parang natural na lang na pangyayari ang nakawan sa Pavillion.
Wala kang nakitang aksyon o ano pa mang pagkabahala sa security.
Hayun lumipas ang dalawang araw ay sa Hyatt naman tumira ang gagong magnanakaw na, ayon sa imbestigasyon ng ULTIMATUM, ay kilala umano ang magnanakaw sa casino sa alyas na Bazook o Bruce.
‘Yan! Ganyan kainutil ang mga internal security ng PAGCOR.
Bakit?
Kasi suweldong 15-30 lang ang iniisip nila at siyempre kesehodang manakawan ka, problema mo ‘yan!
CALLING CHAIR NAGUIAT
Chairman Cristino Naguiat, nananawagan po ang mga biktimang nanakawan.
Inubos na nga ng PAGCOR ang pera nila, pati ba naman cellphone ay natangay pa?
Isa sa mga hinihiling nilang pagtuunan ninyo ng pansin ang security force riyan.
Tila hindi alam ng mga ito kung paano alalayan ang mga biktima hanggang sa maipaabot sa mga awtoridad ang mga krimen na nagaganap sa kanilang nasasakupan upang makamit naman ng mga ito ang katarungan.
Kapag ganyan kainutil ang security force riyan, nakatatakot isipin na isang araw ay magiging biktima ng mas malalang krimen ang mga kliyente at pumupunta riyan at ang PAGCOR mismo.
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.
The post NAKAWAN SA PAGCOR, INTERNAL SECURITY BUWAGIN appeared first on Remate.
