Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUNG AYAW NILA SA ATIN, EH, ‘DI AYAW RIN NATIN SA KANILA

$
0
0

NAKALULUNGKOT ang desisyon ng mga mambabatas ng autonomous Hong Kong na putulin ang pakikipag-ugnayan sa atin pero sa pagkakataong ito ay may palagay ako na biyaya sa atin ang kanilang pasya.

Kung sakaling matuloy ang panukalang hakbang na ito ng mga mambabatas ng Hong Kong Special Administrative Region ay tiyak na mababawasan na ang pagpasok ng mga pekeng paninda sa ating mga pamilihan (sentro ng mga mamemeke ang HK).

Liliit din ang negosyo ng pinagbabawal na gamot dahil ang HK, sa pamamagitan ng sindikatong triad, ang isa sa sentro ng ipinagbabawal na droga sa mundo sa Asya.

Dahil kasama sa kanilang panukala na hingan ng visa ang mga Filipinong bibisita roon ay maaaring magbibigay-raan ang pagkawala ng HK bilang regular na destinasyong pasyalan ng ating mga kababayan. Maaaring maging puwang naman ito para maiahon ang ating sariling Chinatown sa Binondo. Ang Binondo ay puwedeng maging kakumpitensya ng Hong Kong na dating kolonya ng Gran Britanya bilang destinasyong pasyalan.

Bukod pa sa mga nabanggit ay marami sa ating mga kababayan, maliban na lang siguro sa mga nagtatrabaho roon, ang hindi na makararanas ng kabastusan ng mga Hong Kongese. Hindi ko alam kung alam ninyo ito pero maraming Hong Kongese ang bastos at tila walang pinag-aralan. Ako mismo ay nakaranas ng kanilang kabastusan sa loob mismo ng isang hotel doon.

Kung sakaling mapagbigyan ng pamahalaan ng Hong Kong ang layaw na ito ng kanilang mga mambabatas ay hindi ito magiging kawalan ng malaki sa atin. Ang mahalaga ay maging matatag si Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Hindi siya dapat bumigay sa kagustuhan ng mga Hong Kongese na mangayupapa tayo sa kanilang paanan. Kahiyaan na ito.

Dangan kasi, sa kabila ng ating taos-pusong pakikiramay sa mga nasawing Hong Kongese kaugnay ng 2010 hostage taking sa Luneta (napatay rin sa insidenteng ito ang kaisa-isang hostage taker na isang sinibak na kagawad ng Pambansang Pulisya), ay ibig nilang magbayad tayo at pormal pang humingi ng tawad. Wala sanang problema na pag-usapan ang mga kahilingang ito kung hindi naging arogante ang mga ito.

Humingi na ng tawad si dating Pangulong Joseph Estrada bilang ama ng Lungsod ng Maynila pero hindi siya pinansin ng mga aroganteng Hong Kongese. Ito na sana ang pinakamagandang panahon para magkasundo tayo at ang pamunuan ng SAR pero sinayang ito ng mga Hong Kongese.

Sa pagkakataong ito tanging ang mga taong walang kahihiyan sa sarili na lamang ang susunod sa kagustuhan ng mga dating alilang ito ng mga Ingles.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon, ugaliing makinig sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas-nueve (9) hanggang alas-diyes (10) ng gabi.

The post KUNG AYAW NILA SA ATIN, EH, ‘DI AYAW RIN NATIN SA KANILA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>