NAGKAISA ang mga residente sa Brgy. Tinago, Aroroy, Masbate na hilingin sa DENR-MGB (Mines and Geosciences Bureau) na imbestigahan ang “medium scale mining operation) sa kanilang barangay.
Sa sumbong na ipinarating sa atin, nagtataka umano ang nasabing mga residente kung bakit nangyari ang “joint venture agreement” sa pagitan ng 5 Star Small Scaled Mining Producer Coop. at Land Wealth Mines Resources Inc.
Ito, parekoy, ang ipinagtataka ng mga nagrereklamong residente. Paanong nakapasok sa “JVA” ang 5 Star Small Scaled Mining Producer Coop. gayong hindi pa kumpleto ang dokumento sa ligalidad ng “mining operation” ng kanilang kooperatiba? Sakaling makumpleto, mali-wanag na small scale lang dapat ang maaari nilang pasukin, hindi gaya ng kasalukuyang ginagawa nila na “medium scale.”
Bakit pinahihintulutan ng DENR-MGB na magsagawa ang nasabing minahan ng “medium scale operation” gayong “agricultural at hindi industrial” ang “classification” ng lupaing minimina nito? Bakit hinahayaan ng DENR-MGB na magpatuloy ang nasabing operasyon gayong kitang-kita ng mga inspektor ng MGB na ang kemikal na ginagamit na “Ethyl Sodium Xanthate” ay lantarang dumadaloy patungo sa “Tinago creek?”
Lehitimo ba ang pagtatrabaho sa nasabing minahan ng mga da-yuhang sina: Zhang Miao Shen (Plant manager), Wang Qui Feng (babaeng Laboratory head), Chang Zhi Liang (Head of flotation), Qiang Dang Hong (Ballmill operator) at Yang Fu An (Flotation).
Nakasaad, parekoy, sa POEA “Alien Working Permit” nitong 5 Tsekwa na sila ay magtatrabaho bilang “dredging operators” para sa isang “blacksand mining” sa Gonzaga, Cagayan ngunit sa kasalukuyan sila ay nasa Masbate.
Hindi ba bawal sa POEA rules na iba ang “workplace” at uri ng trabaho keysa kanilang “working visa?” Katunayan, ayon pa sa source ay tumakas na ang isang “alien” dahil kinasuhan ito ng pangmomolestya sa isang kusinera sa minahan! Ang napakaraming katanungan na ito ay ating bibitbitin sa DENR.
-o0o-
Umiiyak ang mga iligalista sa buong lalawigan ng Cavite dahil sa sobrang lupit nitong si “Kuya Marlon Garcia.”
Ang paulit-ulit na ipinangangalandakan ni “Kuya Marlon” ay pinatitiyak umano ni Cavite PD S/Supt. Joselito Teodoro Esquivel Jr. na makolektahan lahat ang mga iligalista partikular na ang iligal na sugal!
Naku ha, totoo ba, Col. Esquivel itong sinasabi ni Marlon Gar-cia? ‘Di ba may utos si Calabarzon RD C/Supt. Jesus Gatchalian na “no take policy?” Mananagot ka niyan kay RD…kung totoo ang pinagsasabi ni Marlon!
Sandali lang, pulis ba itong si Garcia?
The post LAND WEALTH IMBESTIGAHAN AT “BAGMAN” NG CAVITE PD appeared first on Remate.