NGAYONG napatunayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda na wala palang kakayahan ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na kagyat na magbigay-tulong sa apektadong sambayanan. Puro lamang pala press release ang istayl ng pamumuno ng administrasyong ito.
Halos pitong araw matapos salantahin ng bagyo ang Gitnang Visayas bago pa lamang nag-umpisang maramdaman ng taong bayan ang bahagyang pagkilos ng kasalukuyang administrasyong Aquino.
Sa ngayon ay marami pa rin lalo na ‘yung mga nasa liblib na pook ang hindi nakatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang ito sa kabila ng pagdagsa ng tulong ng iba’t ibang bansa.
Puro palusot ang ginagawa ng pamunuan ng administrasyon upang ipaliwanag ang kanilang kapalpakan. Kabilang sa kanilang idinadahilan ay ang kabiguan umano ng mga lokal na pamahalaan na agarang kumilos sa kanilang mga nasasakupan.
Sinisisi rin ng administrasyong ito ang bagyo dahil ito ang dahilan kaya nawala ang mga marurupok na imprastraktura ng pamahalaan. Ang lahat ay may kasalanan maliban sa pamunuang Aquino.
Pero alam ng taong bayan ang katotohanan. Nasaksihan natin ang kawalan ng simpatya ni B.S. Aquino III sa mga nasalanta ng bagyo nang dumalaw ito sa Tacloban. Nakita ng pamayanan kung paano ito mainis at mag-walkout sa isang meeting imbes na maghatag ng solusyon sa problemang kinahaharap. Narinig natin kung paano ipaabot ng Pangulong ito sa dayuhang media na nasa ayos ang lahat (everything is under control) kahit alam naman natin na hindi ito totoo.
Patunay ang kagutuman at pagkauhaw ng tao, kawalan ng sanitasyon, nagkalat na mga bangkay, kakulangan ng mga doktor sa mga lugar na dinaanan ni Yolanda sa kawalang silbi ng administrasyong ito. Ano kaya ang sinasabi ni B.S. Aquino III na under control?
Nakita natin na wala palang sinabi ang ating Pangulo at ang karamihan sa mga nasa poder mapa-administrasyon o oposisyon ito. Wala pala silang kakayahan na tumugon sa mga suliranin ng bayan pero nuno ng pangako tuwing parating ang halalan. Wala tayong maaasahan sa ganitong pamunuan kundi lalo’t lalong kahirapan at press release lamang.
Tanging ang ating sariling sikap lamang ang makapagtatawid sa atin sa krisis na ito. Huwag nating suportahan ang mga pul-politiko ngayon na tatakbo sa halalang 2016. Humanap tayo ng bago at may tunay na kakayahang lider kung ayaw nating maranasang muli ang kabaugan ng kasalukuyang administrasyong Aquino.
Malinaw pa sa sikat ng araw na palpak si B.S. Aquino III at mga amuyong nito.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon, ugaliing makinig sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas-nueve (9) hanggang alas-diyes (10) ng gabi.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa infinity_resort@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon.
The post MALINAW NA PALPAK PALA appeared first on Remate.
