Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARA KAY BI COMM. MISON AT MGA ILIGAL SA PASAY

$
0
0

burdado- jun brionesNAIS ipaabot ng mga taga-Brgy. Tinago, Aroroy, Masbate ang kanilang reklamo para kay Bureau of Immigration Commissioner Atty. Siegfred Mison.

Ayon sa mga residente, nababahala sila sa presensya nitong mga “Tsekwa” na nasa kanilang lugar dahil ang isa sa mga ito ay tumakas na matapos abusuhin ang isang kusinera sa minahan ng “Land Wealth” Resources.

Minsan na umano nila itong ipinasiyasat sa BI Legaspi (Region 5) ngunit sinabihan lang sila na dapat ay may formal complaint bago siyasatin ang mga ito.

Tangnang mga tauhan mo na ‘yan, Comm. Mison, halatang may katotohanan ang ipinangangalandakan ng mga namamahala sa nasabing minahan na wala na silang problema sa Immigration.

Mukhang bayad na nga ang ilang tauhan mo, Atty. Mison!

Sa tinatawag na “routine inspection,” hindi ba ninyo kayang silipin, Comm. Mison, ang mga dokumento nina Zhang Miao Shen (Plant manager),  Wang Qui Feng (Laboratory head), Chang Zhi Liang (Head of flotation), Qiang Dang Hong (Ballmill operator) at Yang Fu An (Flotation)?

Nakasaad, parekoy, sa POEA “Alien Working Permit” nitong 5 Tsekwa na sila ay magtatrabaho bilang “dredging operators” para sa isang “blacksand mining” sa Gonzaga, Cagayan ngunit sa kasalukuyan sila ay nasa Masbate.

Hindi ba bawal na iba ang “workplace” at uri ng kanilang trabaho kaysa nakasaad sa kanilang “working visa?”

-o0o-

Rekta sa tanggapan ng hepe ng Pasay City na si S/Supt. Mitch Filart ang remittance ng “weekly collection” mula sa iligal na sugal, droga at mga totnakan.

‘Yan, parekoy, ang ipinagmamalaki ni “Prince Tocalix,” ang pinakamasigasig ngayong mag-ikot sa Pasay.

Ayon kay Prince, may “division of labor”, ika nga, dahil ang sa iligal na sugal ay si Kapitan Borbie ang front samantalang ang anak naman ng hari na si “Mark” ang sa mga paradahan.

Sandali lang, Prince, ang gulo mong kausap ah . . . Kung si Mark na anak mismo ng hari at si Borbie na kapitan ng hari ang “In-Charge” sa mga sinabi mong departamento, eh, bakit doon mo inire-remit kay Col. Filart?

Hindi ba Tocalix ka rin, Prince? Bakit hindi ninyo kayang sabihin na rekta kayo kay Mayor Calixto at may share lang si Col. Filart? Hindi ba ganun?

Sandali lang, Prince, sino nga pala ‘yung kolumnista na agad ninyong inareglo isang linggo matapos umupo si Filart?

“Madikit” ka na sa kanya ngayon ha!

The post PARA KAY BI COMM. MISON AT MGA ILIGAL SA PASAY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>