Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNP: MATAPOS ANG BAGYO, PAGTUGIS SA KRIMEN NAMAN

$
0
0

johnny_magalona10MATAPOS na makontrol ang peace and order sa lugar na binayo ng bagyong Yolanda sa Visayas Region dahil sa pinairal na police visibility ni PNP chief Gen. Alan Purisima, lalo naman niyang pinalakas ang kampanya kontra kriminalidad sa buong bansa lalo pa at malapit na ang Pasko.

Biruin n’yo, personal na pinangunahan ni Purisima ang pagpapatupad ng seguridad sa Tacloban City at iba pang bahagi ng Eastern Visayas na hinambalos ng typhoon Yolanda gano’ng nagsisimula nang magbalikan sa normal ang mga negosyo sa naturang rehiyon.

Kahit nakakonsentra ang pulisya sa Eastern Visayas, sinisiguro rin ni Purisima na hindi mapapabayaan ang seguridad sa buong bansa.

Sa katunayan nga, ang special Barangay election sa Bohol Province at Zamboanga City ay maayos na nairaos nang walang gulo. Kailan lang ay muling nakapuntos ang PNP sa kampanyang anti-carnapping na nakasakote ng limang suspected carnappers sa Bulacan.

Narekober mula sa mga carnapper ang isang Mitsubishi FB at isang Ford Ranger Pick-up.

Nadakip ng Highway Patrol Group Region-3 ang mga suspek, bukod pa sa nadakip ng CIDG, sa pangunguna ng tropa ni Sr/Supt. Roberto Fajardo, ang taong sangkot sa iligal na big-time online gambling.

CIDG-QC SECTOR, ‘DI PATONG SA VICES

Oppsss…ating napag-alaman na hindi pala ang grupo ng CIDG-Quezon City Sector na pinamumunuan ni Maj. Sy at ng bata nitong si Sgt. Bert Peralta ang ‘patong’sa mga iligal sa QC.

May mga gumagamit sa pangalan ng mag-amo para sirain ang liderato ng mga ito sa lungsod.

Napag-alaman natin na ilan sa mga tauhan ng PNP-Intel sa Camp Crame ang isa sa mga patong sa lahat ng vices sa lungsod.

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

The post PNP: MATAPOS ANG BAGYO, PAGTUGIS SA KRIMEN NAMAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>