Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NEGATIBONG MEDIA RAW O…..

$
0
0

baletodoMAN of Steel. Iyan ang iginawad kay Benigno Simeon Aquino III kamakailan ng isang grupo ng media na may news forum sa Maynila. Binigyan din ng parangal ang kanyang mga barkada.

Mabuhay!

Matapos ang paggawad, nagsalita si Aquino. Pinagsabihan ang mass media na lumayo na raw sa negatibong estilo ng pagsusulat at pagbabalita.
Inamin niya na “boring” daw sa buhay ng media kapag walang negatibo na balita o kaya naman ay kritisismo sa kanyang rehimen ng mga kolumnista.

Talaga lang, ha. Ang tanging masaya ay ang iyong news doctors sa Malacañang at ilang “suwerte” na media pipol na nasa inyong pay-roll! Sila ang miyembro ng mass media na nasa awit ni Freddie Aguilar – Bulag, Pipi at Bingi – dala ng malulutong na perang papel at ibang uri ng biyaya!

Noynoy. Hindi kontrabida sa buhay mo at sa iyong administrasyon ang karamihan sa media, lokal man o dayuhan. Ang tunay at propesyunal na media, kung ano ang nakikita ay siya ang isinusulat o ibinabalita.

Mahirap maging BULAG sa katotohanan. Mahirap maging PIPI sa nakikitang kamalian. At mahirap maging BINGI sa mga naririnig namin na mali ninyong gawain.

Matapos ang hagupit ng bagyong YOLANDA/HAIYAN, nagsinungaling ka sa mundo. Nasaktan na ang mga biktima, sinagot mo, “you did not die, right?”
Pinilit mo na dalawang libo lang ang namatay, halos 10,000 na ngayon. Ipinamalita mo na bago dumating ang bagyo ay nagbabala na kayo, alam ba ng tao kung gaano kalakas ang “storm surge?”

Nagtapat si Defense Secretary Voltaire Gazmin kailan lang, “Hindi kami nakapaghanda nang tama.” Sabi mo, nandoon na kayo at tumutulong. Ang totoo, namumulitika lang ang iyong mga tao roon sa lugar ng kalamidad. Tanungin mo uli si Mar Roxas.

Kaalyado mo si Leyte Governor Petilla na siyang totoo na nagsabi na 10 libo ang namatay. Naulit lang ni PNP RD8 Elmer Soria ang bilang sa media, pinatalsik mo kaagad kapagdaka. Tama ba iyon, Noynoy?

Kung gusto mo na puro positibo ang isulat ng mass media, magpakita ka ng kahit kaunting positibo na aksyon at gawa. ‘Yung napakikinabangan ng taumbayan at bansa. Ipakita mo na may kakayanan ang iyong rehimen. Ipakita mo na parehas ang iyong pamamahala at hindi namimili lang ng “wawasakin, sisirain at sisisihin.”

Hayan nga, natatakpan na halos ang balita sa PORK BARREL SCAM dahil sa mga kalamidad. Hayan at binubura ang iyong mga kakampi sa listahan ng mga korap at matiwaling gawa. Masaya ka na ba?

Ligtas lahat ang iyong mga KKKKK? Marami na ang nabunyag na matiwali mong tauhan, positibo ba ‘yon?

The post NEGATIBONG MEDIA RAW O….. appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>