Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FREE CONCERT PARA SA YOLANDA VICTIMS

$
0
0

pakurotPAGHANGA sa mga gawa ni Rizal ang nagtulak sa singer-song writer na si David Pomeranz na magsagawa ng concert sa Rizal Park sa Maynila upang makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang “David Pomeranz Sings for A Cause” ay gaganapin sa Rizal Park Open Air Auditorium ngayong alas-7 ng gabi at pangungunahan ito ng National Parks Development Committee, kasama ang Department of Tourism.

Dahil hindi naningil ng talent fee si Pomeranz, hindi rin sisingilin ang mga manonood ng concert na mahilig sa mga malalamyang musika ngunit kailangang magdala sila ng pera o kahit anong bagay na maibibigay sa mga biktima.

Nakatutuwa na ang mga dayuhang tulad ni Pomeranz ay handang magbigay ng libreng serbisyo para sa mga Filipino. Batid naman nating mga dayuhan pa ang naunang nakapag-abot ng personal na tulong sa mga kababayan natin sa Kabisayaan na sinalanta ng bagyo.

Hangang-hanga si Pomeranz sa ganda ng Rizal Park kaya nasabi niyang kilala niya si Rizal dahil sa mga nababasa niya na nagawa nito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa na kumikilala rito. Bukod pa rito ang mga aklat at ibang obra-maestra ng dakilang bayani ng lahing Filipino.

Bukod pa ito sa talagang malapit sa puso ng singer ang mga Pinoy kaya maging ang kanyang promoter ay hindi nagdalawang-isip na magkaroon ng libreng palabas sa Rizal Park para sa mga biktima ng bagyo sa Leyte, Samar, Iloilo at Capiz.

Sinabi ni Kenneth Montegrande, tagapagsalita ng NPDC, bihira ang pagkakataong makapanood ang mga Pinoy ng libreng konsiyerto ng isang dekalidad na performer tulad ni Pomeranz.

Saan pa tayo? Halika na at manood na tayo sa Luneta upang gumaan naman ang ating pakiramdam sa pamamagitan ng pakikinig ng mga musikang may hagod sa ating puso.

o0o

INILUNSAD kamakailan ng Filipinong manunulat at manananggol na si Atty. Michelle Frances ang isang legal suspense novel na may pamagat na “Beyond Reasonable Doubt” sa National Book Store, Glorietta 1, Ayala Center, Makati City.

Umiikot ang istorya sa dalawang babae na nagkrus ang landas dahil sa pamamaslang sa isang testigo. Dahil sa mali at tiwaling sistema ng hustisya, tumakas sila at ipinaglaban ang kanilang kaligtasan.

Ipinahiram ng may-akda ang katotohanan sa istorya sa pamamagitan ng kanyang karanasan bilang isang trial lawyer. Ang “Beyond Reasonable Doubt” ay pangalawang libro na inilunsad ni Frances. Ang una, “Lethal Trilogy”, ay mabibili rin sa National Book Store at Powerbooks outlet nationwide.

The post FREE CONCERT PARA SA YOLANDA VICTIMS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>