Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WA AKSYON SI MAYOR BONG MALIWANAG

$
0
0

_bong paduaSA ikalawang pagkakataon, temang muli ng ating talakayan ang tungkol sa inirereklamong polusyon sa Brgy. Malabanan Norte, Candelaria, Quezon.

Ang polusyon ay nagmumula sa tambakan ng mga nabubulok na tinilad na bao at panis na sabaw ng niyog ng pabrikang Super Star Oil Mill.

Matapos kasi nating isulat ang reklamo ng mga residente rito, imbes na umaksiyon si Mayor Bong Maliwanag, aba’y lalo pa raw nanahimik.

At dahil sa isinumbong na polusyon ng mga taga-Malabanan Norte sa Chokepoint, sila ngayon ay hinaharas ng mga armadong kalalakihan.

Dapat mabatid ni Mayor Maliwanag na kung ginagawa lang niya ang kanyang trabaho, ‘di sana nagkakaproblema ang kanyang mga kababayan.

Mayor, ang polusyon ay bawal dahil nakasasama ito sa kapaligiran, lalo sa kalusugan dahil ito’y maaaring pagmulan ng karamdaman.

Katunayan, ayon sa sumbong sa atin – napakarami na raw ang nagkakasakit sa mga residente sa lugar dahil sa nasabing polusyon.

Sa kabagalan ng aksyon ni mayor, baka humantong sa mas malaking problema ang idinaraing na problemang ito ng ating mga kababayan. Maaaring may magbuwis ng buhay dahil ayon na rin sa sumbong, sila’y hinaharas at nakatatanggap na ng pananakot.

Dahil ‘di kumikilos si mayor para masara ang naturang pabrika, ‘di malayo na magkaroon ng sakit ang mga nakalalanghap nito.

Dahil ayaw kumilos, ‘di rin maalis sa mga malilikot ang isipan na may dahilan kaya  patuloy na nag-
o-operate ang inirereklamong kompanya ng langis.

Mayor, dahil ‘di ka kumikilos, gusto mo bang tawagin kang ‘mayor inutil’ ng iyong mga kababayan? Para tawagin kang inutil, aba eh, nakahihiya!

Nanawagan din ang mga residente kay Quezon Gov. David Suarez na makialam para masolusyunan ang kanilang problema.

Dahil sa perhuwisyong idinulot, ‘di lang ipasara kundi dapat din sigurong panagutin ang may-ari nito, isang nagngangalang ‘Henry Licup.’

Hinahamon din natin si Sec. Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources  na kumilos.

Ipasara mo, sir, ang pabrika ni Mr. Licup.

The post WA AKSYON SI MAYOR BONG MALIWANAG appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>