TODO-BANTAY ang dapat gawin ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa kanyang mga tauhan na sina Lani, Anton at Arnold dahil masahol pa ito kay Janet Lim-Napoles kung gumawa ng pera.
Ito ang dapat gawin ni Olivarez dahil malaki ang mawawala sa kabang bayan ng Parañaque kapag pinabayaan niya ang diskarte ng tatlong kumag na ito na kilalang-kilala sa pagiging suwapang sa salapi.
Mga key department daw ang pinatatakbo at hinahawakan ng mga damuhong na ito na pawang galing sa isang siyudad sa northern part ng Metro Manila .
Sa madaling salita, bihasa sa dilang bihasa itong sina Lani, Anton at Arnold dahil na-master na nito ang pandodoktor ng mga papeles na pwedeng pagkakitaan.
Tiyak ding magiging magulo ang takbo ng Team Olivarez dahil kilala rin ang grupong ito na may pagkaswapang dahil posibleng ang ginawa nito sa pinanggalingang siyudad ay i-apply nito sa Parañanque.
Ayon sa ating tipster, tira pasok itong sina Lani, Anton at Arnold dahil kahit daw hindi nito sakop ang isang departamento basta’t naamoy nilang may pagkakakitaan ay papasukin daw ito ng mga kumag kesehodang masagasaan nito ang pinuno ng nasabing tanggapan.
Sa madaling salita, salot ito sa administrasyong Olivarez kaya dapat mag-isip-isip din itong si mayor at baka masira siya sa tao dahil sa mga damuhong ito na nagpabagsak din sa isang mayor sa isang siyudad sa Metro Manila.
o0o
Tama lamang ang ginawang pagbubulgar ni Tacloban Mayor Alfred Romuladez sa lahat ng ginawang pang-aapi sa kanya ng kasalukuyang liderato ng bansa.
Bilang pinuno kasi ng estado ay may obligasyon ang grupong PNoy na kalingain at iligtas ang mga biktima ng anomang sakuna.
Alam naman nating lahat na delubyo ang inihatid ni Yolanda sa Kabisayaan, partikular na sa Tacloban City, kaya kahit siguro si Superman ay hindi kayang iligtas ang buong lugar at mga mamamayan nito.
Kung palaging pulitika ang paiiralin ng mga namumuno ay tiyak na mangangamatay tayong dilat dahil mukhang wala silang pakialam sa buhay ng kapwa nila Filipino.
The post OLIVAREZ, DAPAT BANTAYAN SINA LANI, ANTON AT ARNOLD appeared first on Remate.