SA Circular 34, 2013 na may petsang November 15, 2013, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay magbabayad ng claims sa mga kaanib at ‘di kaanib, accredited at ‘di accredited hospitals gayundin ang mga professional sa nakaraang mga pangyayari at pagdanas sa napakalakas na hangin at storm surges na dala ng malakas na bagyong Yolanda.
Nakapagbibigay ang PhilHealth ng membership registration and verification concerns, upang masiguro nila ang pagpapatuloy ng health care benefits sa panahon ng “Acts of God.”
Ayon kay PhilHealth President and CEO Alexander A. Padilla, “Pahahabain pa namin ang panahon para sa filing period ukol sa mga claim sa loob ng 120 days mula sa petsa ng discharge. Gagawa kami ng exemptions para sa mababa sa 24-hour confinement rule, pati na rin ang reimbursement para sa mga nasirang claims.”
Ang circular ay nagpapahintulot din sa pagpapalawak ng deadline sa premium payments and/or existing coverage sa pagtatadhana ng PhilHealth at sa iba pang kalakaran.
Ang mga kaanib at katuwang ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang Yolanda Action Center na may numero (02) 441-7425 to 26 para sa PhilHealth’s disaster recovery, rehabilitation at bilang pagsuporta sa pagpupunyagi sa naturang lugar.
-oOo-
Nais kong batiin sina OIC Executive Director Elenito M. Bagalihog, Deputy Executive Director Jorge Estioko, Vilma Vergara at Annabelle Lusung ng National Water Resources Board (NWRB).
Happy happy birthday to the birthday celebrants of NWRB! For the month of December Celebrants 2013: Jennifer P. Ariola, Ageria R. Lagang, Higino “Gino” C. Mangosing, Jr., Belen I. Juarez, Marianne R. Neypes, Jesus T. delos Santos, Renato P. Gojo-Cruz, Emmie L. Ruales, Lilian P. Gacusan at Susan A. Abaño.
The post HEALTH CARE BENEFITS AT ISYU TUNGKOL SA FORTUITOUS EVENTS appeared first on Remate.
