Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FATHER’S STRUGGLE

$
0
0

PASAPORTE-BY-JR-LANGITISANG ama at naging DH sa Italy para sa pamilya! Gaano nga ba kahirap para sa isang ama na iwan ang kanyang asawa, mga anak at magandang trabaho para sa kinabukasan ng kanyang pamilya?

Sa Milan, Italy ay nakilala ko ang Pinoy na si Roger Centeno, isa siyang sundalo na nasa intelligence division ng military noong nasa Pilipinas pa, kung saan ay kabilang siya sa grupong nagmo-monitor ng mga kriminal at masasamang loob.

Ayon sa kanya, napilitan siyang iwanan ang kanyang dating trabaho dahil sa isang hindi pagkakaunawaan matapos ang isang proyektong ipinagawa sa kanila ng kanyang mga kasamahan.

Para na rin sa kapakanan ng sariling pamilya, minabuti ni Roger na lisanin ang Pilipinas at makipagsapalaran sa ibang bansa.

Taong 1990, gamit ang mga pekeng dokumento nagtungo siya sa Switzerland, kung saan siya tumawid ng boarder line patungong Italya.

Ayon sa kanya, ginawa niya ito sapagkat bukod sa higit na maluwag ang pagtanggap ng nasabing bansa sa mga dayuhang gaya niya ay higit ring malaki ang kikitain niya rito kahit na isa lamang siyang simpleng trabahador.

Sa pagsisimula niya sa Italya ay namasukan siya bilang isang DH kung saan ay naranasan niyang gawin ang mga trabaho ng isang tipikal na katulong.

Paglalaba, paglilinis at kung minsa’y pagluluto para sa kanyang mga amo – ‘yan ay ilan lamang sa mga trabahong kinaharap ni Roger.

Maliban sa hirap ng katawan na kanyang dinaranas, higit na naging pagsubok para sa kanya ang matinding pangungulila para sa asawa at sa lima niyang anak na naiwan sa Pilipinas.

Ang pangungulilang ito ang naging dahilan, kaya pagkalipas ng halos anim na buwan ay kinuha niya ang kanyang asawang si Elsie upang kanyang makasama at makatuwang sa nasabing bansa.

Pagiging DH din ang trabahong pinasok nito.

Labis na lungkot at pag-aalala para sa mga anak na naiwan ang nadama ng mag-asawa sa kanilang pakikipagsapalaran sa Italy.

Upang hindi gaanong madama ang pangungulila, ibinuhos na lamang nila sa pagsisipag sa trabaho ang kanilang panahon. Regular din ang naging pagtawag nila sa kanilang mga anak.

Makalipas ang anim na taon ay nakakuha sila ng permanent visa, kaya naipetisyon at nadala nila ang kanilang limang anak sa Milan.

Taong 1998, ay nakapagpundar ng sariling bahay na may dalawang kwarto ang mag-asawang Centeno at ‘di kalaunan ay nakapagpatayo ng isang negosyo – ang kanilang kompanya na nagbibigay ng janitorial services sa mga nangangailangan.

Bukod pa rito, ipinagpapasalamat din ni Mang Roger na napag-aral nila ang kanilang mga anak sa kolehiyo na nagsisilbing tila matamis na bunga at tagumpay ng lahat ng pagpapagal nilang mag-asawa.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

The post FATHER’S STRUGGLE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


PreSonus FireBox


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Top 2014 Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>