BILANG bahagi ng patuloy na pagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyo sa dumaraming mga kostumer nito, sinimulan ng Laguna Water ang computerized meter reading system. Sa pamamagitan nito, mas bibilis ang proseso mula pagbasa ng metro hanggang sa maihatid ang kanilang bill sa mga kostumer. Tinatayang matatanggap ng mga kostumer ang kanilang water bill sa loob ng labing-dalawang araw kumpara sa dating dalawampu’t dalawang araw.
Dagdag pa rito, sinisigurado ng nasabing sistema na wasto ang bawat detalye, at mahigpit na masusuri ang pagtaas o pagbaba ng konsumo na siyang kadalasang dahilan ng mga idinudulog na reklamo sa billing.
Ang Laguna Water ay isa sa mga subsidiaryo ng Manila Water at nabuo sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna. Ang Laguna Water ay nagbibigay ng serbisyong patubig sa mga bayan ng Biñan, Santa Rosa at Cabuyao.
-oOo-
UK INVESTOR NG MANILA WATER
Ang pinakamalaking UK investor ng Manila Water sa silangang konsesyunaryo ng MWSS ay ang First State Stewart.
Ang Lakbayan ang pangunahing programa ng Manila Water na nagbibigay ng edukasyon at impormasyon ukol sa pinagmumulan ng tubig, paghahatid ng malinis na tubig sa mga kabahayan pati na rin ang pagpoproseso ng nagamit na tubig.
Nakilahok sa Lakbayan sina Senior Investment Manager at Sustainable Funds Head Amanda McCluskey at si Jack McGinn, Junior Investment Manager sa mga pasilidad ng Manila Water.
Bahagi ng programang “Lakbayan” ay ang pagpapakita ng mga modernong planta ng kompanya at matunghayan kung paano naihahatid ang serbisyong tubig at alkantarilya sa higit na 6.2 milyong residente sa silangang bahagi ng Metro Manila at Rizal.
Kasama rin sina Manila Water Operations Support Services Group Director Tom Mattison, Senior Project Delivery Manager Rose Nacion at Investor Relations Manager Aaron Co.
The post LALONG PINAGHUSAY NG LAGUNA WATER ANG METER READING SYSTEM appeared first on Remate.
