Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SOLUSYON SA MATAAS NA PRESYO NG KURYENTE AT LANGIS

$
0
0

BIGWAS_Gil BugaoisanKAHIT araw-araw tayong magreklamo dahil sa pagiging ganid at sakim ng mga kompanya ng kuryente na gaya ng MERALCO at mga kompanya ng langis ay magtetengang-kawali lamang ang mga ito.

Sanay na ang mga opisyal ng mga kompanyang ito sa pakapalan ng apog basta’t ang mahalaga ay laging paldo ang kanilang mga bulsa.

Maliban sa kagustuhan ng karamihan na papilahin sa firing squad ang mga walanghiyang opisyal ng MERALCO at ng mga kompanya ng langis, may iba pang pamamaraan upang mapilitan silang magbagong-buhay.

Hangga’t alam kasi ng mga ito na hindi tayo mabubuhay na wala ang kanilang mga produkto at serbisyo, kayang-kaya nilang idikta sa atin ang kanilang mga kapritso kahit batid nilang ito’y hindi na makatwiran.

Wala rin naman tayong maaasahan sa ating pamahalaan dahil alam naman natin na pawang mga inutil ang mga taong na dapat sana’y nangangalaga sa kapakanan ng ating mga mamamayan.

Bulsa muna bago mamamayan ‘ika nga ang namamayani pa ring kalakaran.

Kung nais nating mabago ang sistemang ito at ipamukha sa MERALCO at sa mga kompanya ng langis na malapit na silang mawala sa uso, kailangang simulan na natin ang pangangapital sa uri ng pamumuhay na hindi na tayo masyadong umaasa sa kuryenteng mula sa MERALCO at sa transportasyong gumagamit ng langis.

Kung may malasakit lang sana ang ating pamahalaan ay maganda sanang pag-isipan na nito ang pagbibigay ng mga tax incentive at iba pang insentibo para sa mga nag-aangkat at gumagawa ng mga solar panel at iba pang teknolohiya na nagbibigay sa atin ng kuryente na hindi na kailangang dumaan pa sa linya ng MERALCO.

Kung sana ay magiging abot-kamay ng kahit isang ordinaryong mamamayan ang mga solar panel ay tiyak na darating ang panahon na hindi na natin kailangang umasa sa MERALCO.

Nauuso na rin ang pagbibisikleta at marami na sa ating mga kababayan ang natututong mag-“bike-to-work” at sa tingin ko ay lalo pang darami ang maeengganyo na gumawa nito kung magkakaroon din ng tax breaks ang pag-i-import ng bisikleta.

Naisip ko na, siguro, kung ang karamihan sa atin ay gagamitin na lang ang kanilang mga sasakyan tuwing mayroon silang mahahabang biyahe at gawin na pangunahing transportasyon ang bisikleta, tiyak na mababawasan din ang yabang ng oil companies.

Ngunit hangga’t hindi tayo kumikilos at gumagawa ng paraan upang mabawasan ang ating pagiging alipin sa mga serbisyo at produkto ng MERALCO at ng mga kompanya ng langis, kahit buong taon tayong putak nang putak ay hinding-hindi tayo iintindihin ng mga ito.

****
Para sa inyong suhestiyon at komento, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.

The post SOLUSYON SA MATAAS NA PRESYO NG KURYENTE AT LANGIS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>