Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ALIPORES NI HENRY SY AT DROGA SA PANGARAP

$
0
0

burdado-jun-briones2ILANG oras matapos nilooban ng “martilyo gang” noong Linggo ng gabi ang SM North Edsa ay kaagad sumugod sa nasabing “department store” ang Pangulo ng bansa kasama ang kalihim ng DILG.

Bagama’t tungkulin nina PNoy at Mar Roxas ang tiyakin ang katahimikan at kaligtasan ng buong bansa, ngunit mukhang napakaimportante naman yata para sa dalawang ito na kaagad rumesponde sa isang ordinaryong pagnanakaw!

Ibig kong sabihin, parekoy, napakaraming suliraning malalaki ang kinahaharap ng ating bansa na dapat paglaanan ng kanilang oras, pero bakit mas pinili nitong “bahala na kayo gang”  na sila talaga ang agarang reresponde sa lugar?

Hindi ba pwedeng ipaubaya na lang sa pulis ang nasabing insidente? Tutal ay isa lang naman itong ordinaryong kaso ng “robbery!”

Ahhh, oo nga pala, dahil ang SM ay pag-aari ng pinakamayamang Filipino na si Henry Sy. Na ayon sa ilang tawiwit ay pinakamalaki kung magbigay ng “campaign fund” sa mga matataas na politiko tuwing halalan! Langya!

Opps, sandali, parekoy, malay natin baka gusto talaga nitong “bahala na kayo gang” na sila mismo ang unang reresponde sa mga insidente. Pero kinabukasan mismo, Disyembre 16 ay biglang nagkaroon ng aksidente sa “skyway” sa Parañaque City kung saan 18 katao ang namatay at napakarami ang sugatan.

At sa awa ng Diyos, gaya ng dapat asahan . . . walang PNoy at Mar Roxas na nagpakita sa lugar ng kahindik-hindik na pangyayari!

Ibig bang sabihin ay mas mahalaga talaga kina Pangulong Noynoy at SILG Mar Roxas ang mga ninakaw na alahas na pag-aari ni Henry Sy kaysa mga namatay sa “skyway?”

Sabagay, kung ang libo-libong buhay na kinitil ni “Yolanda” ay balewala sa “bahala na kayo gang,” gasino na nga naman ang labingwalong kaluluwa!

King-ina talaga! Pwe!

-o0o-
Ang isang lugar sa Caloocan City kung saan talamak ang iligal na droga ay ang Pangarap Village. Kaya hindi masawata ang bentahan dito ng “marijuana” ay dahil mga pulis pala ang utak nito.

At kaya takot magsumbong ang mga residente dahil kilala rin itong dalawang pulis sa pagiging bendiktibo o mahilig mamersonal!

Kilala mo na ba Caloocan City COP S/Supt. Bernard Tambaoan kung sino itong dalawang tinutukoy ko?

Ang pagpasok ninyo, mga iho, sa iligal ay ‘wag dagdagan ng pamemersonal at baka isang araw ay magulat kayo sa resulta! Siyanga pala, QCPD Dist. Dir. C/Supt. Richard Albano, may ibubulong ako pagpasyal ko sa iyo!

The post ALIPORES NI HENRY SY AT DROGA SA PANGARAP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>